Pag-abruba ng Kongreso sa ConCon may basbas ni Marcos Jr. – updates from the peasant movement of the Philippines

Binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ginawa nitong pagratsada sa pag-apruba sa House Bill 7352 ngayong hapon. Sa botong 301-7, ipinasa ng Kongreso sa third and final reading ang nasabing panukalang batas na Constitutional Convention Act of 2023 na accompanying bill o katambal ng Resolution of Both Houses No. 6 na mag-aamyenda sa 1987 Constitution.

Sinabi ng KMP na ang hakbang ng Kongreso sa ilalim ni House Speaker Martin Romualdez na iratsada ang ConCon ay pagpapakita ng kawalang pakialam ng mga mambabatas sa kalagayan at mga panawagan ng taumbayan.

“Ayuda at dagdag sahod ang panawagan ng mamamayan pero bulag, pipi at bingi ang Kongreso na ConCon at ChaCha lang ang inaatupag. Kapag ganito ang galawan ng mga mambabatas, siguradong ang nasa likod ng ConCon at ChaCha ay walang iba kundi si Pangulong Bongbong Marcos Jr,” ayon pa sa KMP.
Kahapon naghain ng panukalang Php750 national mininum wage hike ang mga manggagawa subalit hindi pinansin ng Kongreso.

“Ang unang makikinabang sa ConCon ay si Pangulong Marcos Jr. kasama ang mga political dynasties sa bansa,” ayon pa sa grupo ng mga magsasaka. “Dapat nating alalahanin ang 1971 ConCon na ang pangunahing nakinabang ay si Ferdinand Marcos Sr. at nagbigay sa kanya ng kapangyarihan na i-extend pa ang kanyang termino.”

Binatikos din ng KMP ang napakagastos na ConCon na gusto nang simulan sa Oktubre. Batay sa panukala, babayaran ng tig-Php10,000 kada araw ang bawat delegado ng ConCon. Tinataya ng Kongreso na aabot sa Php9 bilyon hanggang Php15 bilyon ang gagastusin para sa ConCon. “Kung sa dagdag ayuda gagastusin ang pondong ito, mas maraming mahihirap na pamilyang Pilipino ang makikinabang. Mas malaki pa ang gustong gastusin ng gobyerno sa ConCon kaysa sa tulong na ilalan para sa mga magsasaka at mangingisda — P1 bilyon sa fuel discount vouchers at P13.3 bilyon sa fertilizer discount vouchers.

Patuloy na ilalantad at lalabanan ng mga magsasaka ang ConCon at ChaCha ni Marcos Jr.###


Source link

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas

The Kilusang Magbubukid ng Pilipinas or Peasant Movement of the Philippines (KMP) was founded at a time of great political upheaval and broad mass movement against the tyranny and abuses of the Marcos dictatorship. Hundreds of peasant leaders and land reform advocates from Luzon, Visayas, and Mindanao gathered during the historic founding of KMP on July 24, 1985. After thirty five years, KMP remains as the largest national democratic mass organization of peasants in the Philippines.

Don't Miss

Red salute to the CPP, NPA and NDFP!

Biera T. on behalf of the Revolutionary Communists, Norway (RK)

Rights defenders ask UN: ‘Probe alarming record of Marcos gov’t’

A group of Filipino human rights advocates are in Geneva,