Sa isang talumpati noong Labor Day sa Palasyo ng Malacañan, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaprubahan ng mga ahensya sa pagsulong ng pamumuhunan sa bansa ang halos P1.7 trilyong investments sa iba’t ibang sektor, na inaasahang lilikha ng 108,000 trabaho sa 2023. Ito ay nakapanlilinlang.
PAHAYAG
Sa pagpapahayag ng pangako ng kanyang administrasyon na bigyan ang mga Pilipino ng mas technical at digital job opportunities, sinabi ni Marcos:
“In 2023 alone, our Investment Promotion Agencies approved almost P1.7 trillion pesos in investments in various sectors. These investments are expected to create almost 108,000 jobs for our people in that year alone.”
(“Noong 2023 lamang, inaprubahan ng ating mga Investment Promotion Agencies ang halos P1.7 trilyon pesos na investments sa iba’t ibang sektor. Ang mga investment na ito ay inaasahang lilikha ng halos 108,000 trabaho para sa ating mga kababayan sa taong ito lamang.)
Pinagmulan: RVMalacañang, Labor Day with the President (Speech) 5/1/2024, Mayo 1, 2024, panoorin mula 5:13 hanggang 5:30
ANG KATOTOHANAN
Ang mga inaprubahang investment ay mga pangako ng mga lokal o dayuhang mamumuhunan. Hindi lahat ng inaprubahang pamumuhunan ay natutupad. Dumadaan ang mga ito sa gestation period o panahon mula sa pag-apruba hanggang sa aktwal na naitatag at napapatakbo ang iminungkahing pamumuhunan, ayon sa mga dokumentong ginawa ng Congressional Policy and Budget Research Department ng House of Representatives at ng Organization for Economic Cooperation and Development.
Habang sinusulat ito, hindi malinaw sa makukuhang datos ng gobyerno kung gaano karami sa mga projection na ito sa trabaho mula sa mga inaprubahang pamumuhunan ang natupad noong 2023.
Inaprubahan ng ilang investment promotion agencies ang mga pangakong pamumuhunan. Kabilang dito ang Board of Investments, Philippine Economic Zone Authority, at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.
Noong 2023, karamihan sa mga investment commitment ay naaprubahan para sa industriya ng enerhiya ng bansa, na nagkakahalaga ng P992.9 bilyon.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
Congressional Policy and Budget Research Department (House of Representatives), 2023 Approved Investments in the Philippines, March 2024
Organization for Economic Co-operation and Development (OECD), PHILIPPINES – OECD Investment Policy Reviews, 2016
Fincyclopedia, Gestation Period, Accessed May 14, 2024
Oxford Reference, Period of Gestation, Accessed May 14, 2024
Board of Investments, Philippine Investment Promotion Plan (PIPP), Accessed May 14, 2024