‘Poorest de Mayo’ kontra demolisyon, reklamasyon – Pinoy Weekly

‘Poorest de Mayo’ kontra demolisyon, reklamasyon – Pinoy Weekly


Rumampa ang mga residente ng Smokey Mountain, Tondo, Maynila sa magkasunod na protestang “Poorest de Mayo” nitong Mayo 23 at 25 laban sa bantang demolisyon at reklamasyon sa kanilang komunidad. 

Sa parada ng taga-Smokey Mountain sa Plaza Morgan sa Tondo nitong Mayo 23, sigaw ng grupo ang banta ng demolisyon kung itatayo ang mga waste-to-energy (WTE) incinerators sa kanilang lugar.

Ayon sa mga residente, mapaminsala ito sa kalikasan, kalusugan, komunidad at tuluyan silang mawawalan ng tirahan. Tutol din ang mga tanggol-kalikasan at siyentista sa WTE plant dahil sa polusyon na idudulot nito sa Kamaynilaan at sa mga karatig na probinsiya.

Ysa dela Cuesta/Pinoy Weekly

Nagkaroon din ng sagala ang parehong grupo ng mga residente sa labas ng Senado sa Pasay City bilang pagtutol sa reklamasyon sa Manila Bay nitong Mayo 25, 2026

Ayon sa grupo, malaking banta sa kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan ang patuloy na reklamasyon sa Manila Bay. Batay sa mga pag-aaral ng mga eksperto, maaaring magreresulta ang reklamasyon sa matinding pagbaha at paglubog ng lupa dahil sa pagtayo ng mga mabibigat na gusali sa tinambakang katubigan.

Dagdag ng grupo ang mga panagawan sa nakabubuhay na sahod, pag-aresto sa puganteng si Sen. Bato dela Rosa at pag-impeach kay Pangalawang Pangulong Sara Duterte.

Ang “Poorest de Mayo” ay hango sa tradisyong Flores de Mayo ng mga Katolikong Pilipino na pagpaparangal sa Birheng Maria tuwing buwan ng Mayo. Ngunit sa halip na suot nila ang mga magagarbong damit, ibinida nila ang mga suot na gawa sa recycled na materyal kasama ang mga panawagan kontra demolisyon at reklamasyon.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning