Community

PRAYMER: Laban ng Migranteng Pilipino para sa P1,200 National Minimum Wage at regular na trabaho sa Pilipinas

PRAYMER: Laban ng Migranteng Pilipino para sa P1,200 National Minimum Wage at regular na trabaho sa Pilipinas






Mula sa pandaigdigang opisina ng MIGRANTE International, malugod na
ibinabahagi ang praymer na ito hinggil sa laban ng migranteng Pilipino para sa
P1,200 national minimum wage (NMW) at regular na trabaho sa Pilipinas.

Bahagi ito ng pakikiisa ng mga migranteng manggagawa at mga Pilipino sa
ibayong dagat sa pakikibaka ng manggagawang Pilipino sa Pilipinas laban sa
kahirapan at patuloy na pagsasamantala at panggigipit ng mga malalaki at
monopolyo kapitalistang korporasyon sa pangunguna ng Imperyalismong US
kabilang ang kanilang mga kapanalig na mga naghaharing uri sa Pilipinas na
kina katawan ng rehimeng Marcos Jr.

Layon ng praymer na ito na makatulong sa paglilinaw at makapagbigay gabay
sa pagtalakay ng mga batayan para sa kagyat na kahilingan at laban para sa
pagtaas sa sahod ng mga manggagawa sa Pilipinas. Gayundin, tinatalakay sa
praymer na ito ang kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas at
manggagawang Pilipino sa labas ng bansa. Ibinabahagi din nito ang paglilinaw
sa ugat ng pwersahang migrasyon o forced labor migration na lalo pang
pinaigting ng kasalukuyang rehimen ni Marcos Jr sa pamamagitan ng
Department of Migrant Workers o DMW.

Bahagi din nang praymer na ito ang maikling pagtalakay sa ilang mayor na mga
isyus at problemang kinakaharap ng mga migranteng manggagawa sa labas ng
bansa. Sa huling bahagi, may mga mungkahing tungkulin na nagsisilbing gabay
sa pag gulong ng ating kampanya at laban. Sa huli, inaasahan na magamit ang
praymer na ito sa mga grupong talakayan maging online o pisikal, maging
pormal o sa mga tambayan ng mga migranteng Pilipino at pag abot sa mas
malawak na bilang ng mga organisasyong migrante at maging ng kanilang mga
pamilya sa Pilipinas.

Manggawang Pilipino sa buong daigig, Magkaisa! Isulong ang laban para sa
dagdag na sahod at regular na trabaho sa Pinas!










Source link

MIGRANTE International
MIGRANTE International

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning