PRWC » Ang pagdating ng punong heneral ng US ay bahagi ng paghahanda sa gera


Ang artikulong ito ay may salin sa English

Ipinapahayag ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang lubos na galit sa pagdating kahapon ni Gen. Charles Brown, ang nangungunang upisyal militar ng humaling-sa-gerang imperyalistang US. Ang pagbisita ni General Brown sa Pilipinas, at kasunod sa Japan, ay bahagi ng mga pang-uudyok at paghahanda sa digmaan ng US sa rehiyon, na nakatuon laban sa imperyalistang karibal nitong China.

Bilang nangungunang heneral ng US, malinaw na nasisiyahan si Gen. Brown sa kung paanong nakapakat na ang US Typhon missile system at iba pang armas sa Pilipinas, at kung paano nagsilbing base ang bansa para sa paglulunsad ng mga barkong pandigma nito sa South China Sea. Ang lahat ng ito ay pasok sa plano ng US na ipagpatuloy ang pagpapainit ng tensyon sa karagatan sa pagitan ng Pilipinas at China, at pagsagka sa mapayapang paglutas ng mga hidwaan. Kapalit ng suporta ng US, ang rehimeng Marcos at ang sandatahang lakas nito ay kusang nagsisilbing pyesa sa makinang panggera ng US.

Dagdag pa, labis ang poot ng mamamayang Pilipino na pinatuloy ng rehimeng Marcos ang nangungunang heneral ng US na responsable sa paghahatid ng mga bomba sa Israel sa gerang henosidyo laban sa mamamayang Palestino, at ng mga sandata para sa pagpapatagal pa ng digmaan sa Ukraine.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!