Mas matinding pang-aapi at pagsasamantala ang resulta ng patakaran ni Marcos Jr na paghadlang sa usapang pangkapayapaan. Sa halip na katigan ang panawagan ng mamamayang Pilipino para sa peace talks, ipinataw ni Marcos ang patakaran ng gera, panunupil at terorismo laban sa sambayanan sang-ayon sa dikta ng kanyang among imperyalistang US.
Patunay sa epekto ng ng pagtalikod ni Marcos sa usapang pangkapayapaan ang pagiging ikalima ng Masbate sa.pinakamahihirap na prubinsya sa bansa. Ang malawakang kawalan at pang-aagaw ng lupa sa prubinsya, kasabay ng isa sa pinakamalalang mga abusong militar ay patunay na hindi isusuko ng mga Masbatenyo ang armadong paglaban bilang kanilang sandata upang makamit ang makatarungang kapayapaan at kaunlaran.
Kaugnay nito, mariing tinutuligsa ng Pambansang Katipunan ng Magbubukid-Masbate ang paghadlang ni Marcos Jr at mga alipures nitong tauhan ng CIA tulad ni National Security Adviser Eduardo Ano sa paghadlang sa peace talks at iba pang hakbang para sa makatarungang kapayapaan.
Sa halip na makipag-usap sa NDFP hinggil sa pagtataguyod ng karapatang tao at hustisya para sa mga biktima ng panunupil. pinili ni Marcos na patindihin ang militarisasyon at terorismong militar, laluna sa kanayunan. Sa Masbate, ang 32 ang biktima ng pampulitikang pamamaslang sa Masbate sa ilalim ni Marcos ay patunay nang pagtalikod ng kanyang rehimen sa usapang pangkapayapaan.
Sa halip din na makipag-usap para isulong ang tunay na repormang agraryo at pagtatayo ng mga industriya bilang balangkas para sa tunay na kaunlarang pang-ekonomya, pinili ni Marcos na ipagpatuloy ang mga patakarang neoliberal pabor sa mga dayuhang kapitalista at kasosyong malalaking lokal na negosyo.
Ang mga patakarang ito ni Marcos na nakasalig sa dayuhang puhunan, walang awat na importasyon at pangungutang ang sanhi ng pagbagsak ng lokal na produksyon at kabuhayan, walang tigil na pagtaas ng presyo, kawalang trabaho, mababang sahod, pang-aagaw ng lupa at kabuhayan at pagkawasak ng kapaligiran at kalikasan.
Hindi makatarungan at matagalang kapayapaan ang pakay ni Marcos. Sa halip na makipagnegosasyon para makahanap ng mga prinsipyado at katanggap-tanggap sa parehong panig na mga pamamaraan para resolbahin ang ugat ng armadong tunggalian, ang gusto lamang ni Marcos ay isuko ng NPA ang kanilang armas at talikuran ang armadong pakikibaka. Malinaw ang pakay ni Marcos at ng US: panatilihin ang sistemang sila ang nakikinabang.
Kinikilala ng internasyunal na komunidad na may gera sibil na nagaganap sa Pilipinas sa pagitan ng dalawang gubyernong may pantay na pampulitikang katayuan: ang reaksyunaryong gubyerno. Haligi ng pampulitikang katayuan na ito ang kani-kanilang armadong pwersa na siyang tuntungan ng negosasyon. Sinong hangal ang papayag na makipag-usap ng walang armas samantalang nakatutok sa kanya ang armas ng kabilang panig?
Magbukas man o humadlang ang rehimeng Marcos sa usapang pangkapayapaan, determinado ang masang Masbatenyo na isulong ang armadong pakikibaka bilang tunay na paraan para makamit ang makatarungan at matagalang kapayapaan. Alam ng mga Masbatenyo na kailangan ang armadong paglaban ng mamamayan dahil armado rin ang pang-aapi at pagsasamantala ng estado. Alam ng mga Masbatenyo na kung mawala ang armadong pakikibaka, mawawalan rin sila ng lakas para ipagtanggol ang kanilang lupa, karapatan, buhay at kinabukasan. Alam ng mga Masbatenyo na nakasalalay sa armadong paglaban anumang pag-asa para makamit ang tunay na kalayaan, katarungan at kapayapaan.
Nagpupugay ang mga magsasakang Masbatenyo sa matagumpay na serye ng aksyong gerilyang ilinunsad ng NPA-Masbate laban sa iba’t ibang tropa ng militar ngayong Agosto. Nananawagan ang PKM – Masbate sa mga mamamayang Masbatenyo na patuloy pang suportahan at palakasin ang ating pinakamamahal na Hukbo, dahil kung wala ang NPA, wala tayong ni anuman.