PRWC » Isulong ang malayang pamamahayag; biguin ang pasismo ng rehimeng US-Marcos

August 31, 2024


Ginugunita ang National Press Freedom Day tuwing ika-30 ng Agosto kasabay ng pag alala sa kaarawan ng kinikilalang Ama ng Pamamahayag sa Pilipinas na si Marcelo Del Pilar o kilala rin bilang si “Plaridel.” Ngunit para sa maraming mamamahayag sa Pilipinas, ang araw na ito ay nagsisilbing paalala sa mas lumalalang kalagayan ng malayang pamamahayag at paglabag sa karapatang pantao.

Mula sa datos ng mga organisasyon ng mga mamamahayag at manggagawa sa midya, may 135 nang kaso ng banta at pag-atake sa mga mamamahayag mula Hulyo 1, 2022 hanggang Abril 30, 2024. Higit na mas malaki ito sa bilang na naitala noong nakaraang administrasyong Duterte. Patunay ito ng isang mapagpanggap na tugon ng rehimeng US-Marcos sa matagal nang hinaing ng mamamayang Pilipino para sa ligtas na pamamahayag at paggalang sa karatapang pantao.

Hindi bababa sa 30 kaso ng paglabag sa press freedom ang naranasan ng iba’t-ibang community news outfits at mamamahayag sa buong bansa mula 2022 hanggang sa kasalukuyan. Isa sa halimbawa nito ang pag-aresto at patuloy na pagkukulong sa community journalist na si Frenchie Mae Cumpio sa Tacloban dahil sa mga gawa-gawang kaso.

Sa ilalim ng rehimeng US-Marcos, patuloy ang pagsensor at pag-block sa mga website ng alternatibong midya at iba pang progresibong grupo. Ang hakbang na ito ay desperadong reaksyon ng Gubyerno ng Republika ng Pilipinas para pigilan ang paglalathala ng tunay na kalagayan ng mga komunidad sa kalunsuran at kanayunan na lumalaban sa anti-mamamayan at anti-mahihirap na programa at patakaran ng reaksyunaryong estado. Patuloy ang paghahasik ng teroristang lagim ng pasistang Armed Forces of the Philippines at ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) para takutin ang mamamayan at mga mamamahayag, at sagkaan ang paglaban ng lumalaking bilang ng mga komunidad para sa karapatan sa malayang pamamahayag.

Mariing kinukundena ng ARMAS (Artista at Manunulat ng Sambayanan)-Antonio Zumel Chapter ang walang habas na atake sa malayang pamamahayag at pagsupil sa karapatan ng mamamayang Pilipino para sa tama at makabuluhang impormasyon. Nananawagan ang ARMAS sa mga artista ng bayan, mamamahayag, manunulat, manggagawa sa midya, at mga manggagawang pangkultura na patuloy na lumikha at maglathala ng mga akdang sumasalamin sa tunay na kalagayan ng mga manggagawa at magsasaka, kasama ang iba pang inaaping sektor sa lipunan, sa buong bansa.

Nananawagan ang ARMAS sa mga artista ng bayan na patuloy na dakilain ang masang anakpawis na nakikibaka para ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at ipaglaban ang pambansa-demokratikong adhikain ng buong sambayanan. Higit sa lahat, suportahan ang armadong pakikibaka ng Bagong Hukbong Bayan, na pinakamatatag na lumalaban sa pasismo, pang-aapi at pagpapahirap ng rehimeng US-Marcos.

Biguin ang pasismo ng rehimeng US-Marcos at isulong ang makabansa, siyentipiko, at makamasang pamamahayag!
Isulong ang armadong pakikibaka!



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Tribunal finds Marcos, Duterte, Biden ‘guilty’ of war crimes »

May 19, 2024, Kodao.org The International People’s Tribunal (IPT) found

‘Ama Namin’ blasphemy? Bishop unearths ‘seeds’ from Duterte years »

Jul 15, 2023, Paterno R. Esmaquel II ‘A drag song