Inilunsad ng mga organisasyon ng masang anakpawis noong Marso 26, sa Recto Avenue sa Maynila, ang taunang Kalbaryo ng Masang Anakpawis. Kabilang sa mga usaping iniharap ng mga kalahok sa Kalbaryo ang tumitinding krisis sa kabuhayan, reklamasyon sa Manila Bay at demolisyon sa Navotas at pangre-redtag sa mga lider aktibista at kanilang mga komunidad. Dala nila ang mga panawagan para sa pagtataas ng sahod at pagwawakas sa kontraktwalisasyon, pagbubuwag ng mga unyon, panggigipit sa mga manggagawa at malawakang disempleyo sa pambansang kabisera.
Inilunsad naman ang Kalbaryo ng Timog Katagalugan noong Marso 24. Dala-dala ng mga kalahok nito ang pagtutol sa charter change at pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa, nakabubuhay na sahod, pambansang soberanya, at makatarungang kapayapaan. Sa sumunod na araw, tumungo sila sa pambansang kabisera para igiit ang kanilang mga hinaing sa mga kagawaran ng empleyo, edukasyon at kapaligiran.