PRWC » Kundenahin ang walang habas na pambobomba ng 87th IB sa mga sakahan sa Western Samar at pagpatay ng 63rd IB sa isang lolo at 2-taong gulang nitong apo!

October 20, 2023


Mahigpit na kinukundena ng Arnulfo Ortiz Command (NPA-Western Samar-AOC) ang inihahasik na terorismo ng 87th IB. Tampok ang walang habas na panganganyon nito sa mga sakahan sa mga Barangay ng San Nicolas at Barangay Aguingayan sa San Jose de Buan. Umabot na sa pitong araw at gabi ang pambobomba ng 105mm at 155mm howitzer na nagsimula noong September 23 hanggang Setyembre 29.

Noong Setyembre 23 nagpasabog ng hindi bababa sa 17 bomba mula sa howitzer ang narinig ng mga residente mula alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw. Noong Setyembre 24, hindi bababa sa 30 na bomba ang pinakawalan mula sa mga howitzer mula sa bayan ng San Jose de Buan. Lubha itong ikinatakot ng mga naninirahan sa magkakaratig barangay. Pinagbawalan ng mga militar ang mga magsasaka na anihin ang kanilang mga palay dahil sa pambobomba.

Lubhang ikinababahala ng mga magsasaka na mabulok ang kanilang mga palay kung hindi agad maani lalo na ngayon na mahal ang presyo ng bigas. Hindi lamang ngayon ang pangyayari na nabulok lamang ang kanilang pinaghirapan dahil sa pag-atake ng pesteng militar. Sabi nga ng mga parag-uma (magsasaka) mabuti pang atakehin ng mga pesteng kulisap at daga ang kanilang palay wag lang atakehin ng mga pesteng militar. Kahit papano ay may naaani pa sila kahit atakehin ng mga kulisap at daga pero kapag ang militar ang umatake talo pa nito ang kahit anong peste dahil wala na silang maaning palay. Sa halip ay labis na takot at kagutuman ang kanilang naaani.

Sa isang banda natigil na din maging ang pasok ng eskwela sa bayan ng Buan matapos na pauwiin ng mga titser ang mga estudyante dahil sa takot sa sunod-sunod na panganganyon mula sa San Jose de Buan.

Magkahalong takot at galit ang nararamdaman ng mamamayan sa walang habas na pambobomba dahil naliligalig ang kanilang mapayapang pamumuhay, nawawasak ang kabuhayan at troma na dulot nito sa mamamayan, laluna sa mga bata at kababaihan.

Samantala, sobrang galit ng kapamilya at kababaryo dahil sa walang awang pagpatay sa kanilang kabarangay na si Ronie Obiado at 2-taong gulang nitong apo na pinatay ng mga elemento ng 63rd IB. Hindi pa rin nakikita ang asawa ni Ronie Obiado hanggang sa ngayon.

Ang pagptay sa maglolo at walang habas na pagbomba ay ganting-salaya sa ilang magkakasunod na bigwas ng NPA sa lugar na nakapatay at puminsala sa malaking bilang ng kaaway. Galit na galit ang militar sa patuloy na suporta ng masa sa kanilang hukbo.

Lalo lamang itinutulak ng militar ang mamamayan na humawak ng armas para ipagtanggol ang kanilang karapatang-tao at kabuhayan. Patuloy na lalaban ang mamamayan sa panlilinlang at pananakot ng mga berdugong militar.

Nanawagan ang Arnulfo Ortiz Command sa lahat ng mamamayan na sumama sa NPA para labanan ang terorismo ng militar.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Women human rights defenders recount stories of persistence

By GENEVIEVE FELICIANO Women human rights defenders Hailey Pecayo, Dyan

Ang Bayan Ngayon » Mga kawaning may kapansanan, iligal na tinanggal ng Komisyon sa Wikang Filipino

Pitong kontraktwal na empleyado ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF),