Mataas ang diwang bumabati ang balangay ng mga rebolusyonaryong kabataan sa probinsya ng Laguna sa ika-59 na anibersaryo ng ating pinakamamahal na organisasyon ng Kabataang Makabayan. Mahaba na ang liko-likong landas na tinahak ng ating dakilang organisasyon. Ang KM ang isa sa mga unang organisasyon ng mga kabataan na bumasag sa katahimikan noong 1960s laban sa mga anti-mamamayang palisiya lalo na ang mapanupil na Anti-subversion Law.
Sa pagdiriwang ng ika-59 na anibersaryo ng KM, binibigyan natin ng natatanging pagpupugay ang dakilang Kasamang Jose Maria Sison na siyang nagtatag at namuno sa KM upang pangunahan ang pagpapalaganap sa buong bansa sa pambansa demokratikong kilusang masa na anti-pyudal, anti-pasista at anti-imperyalista, na sandahatang pakikibaka bilang pangunahing porma ng pakikibaka, nasa pamumuno ng Partido Komunista at may sosayalistang perspektiba. Ang kanyang mga sinimulan at gintong baul ng mga aral ng Marxismo-Leninismo-Maoismo na kanyang ipinamana sa ilang dekada ng kilusang kabataang-estudyante ang naging tanglaw ng sektor sa kanyang patuloy na pagsulong. Gayundin, walang kapantay na pagpupugay din ang ibinibigay natin kay Josephine “Ka Sandy” Mendoza, lider ng Partido sa Timog Katagalugan na pinanday ang husay sa kanyang pamumuno bilang KM noong kanyang kabataan. Pinagpupugayan din natin ang ating mga martir mula sa balangay ng KM Laguna, si Jeramie “Ka Ash” Garcia, at Abegail “Ka Esang” Bartolome.
Namulat ang mga pundadores ng KM na ang krisis sa malakolonyal at malapyudal na lipunan ay hindi naman naibsan, ngunit mas lalong tumindi ang ekonomikong krisis sa pagpasok ng dayuhang pautang at pananatiling atrasado ng agrikultura at kawalan ng industriya. Dahil dito, alam nila na kailangan ng ingay na manggigising sa mga mamamayan sa gitna ng krisis ng dekada na pumilay sa ekonomiya ng bansa. Sa pag-aaral ng lipunan, natutunan ng KM na kailangang magmulat, mag-organisa, at magpakilos laban sa tatlong salot ng lipunan: ang imperyalismo, pyudalimso, at burukrata-kapitalismo. Naglunsad sila ng malalaking kilos-protesta na dala ang kampanya primarya laban sa imperyalismo at iba pang isyung panlipunan.
Ang ingay ng KM sa Kamaynilaan at sa mga sentrong lungsod ay dinala sa pinakasulok-sulukan ng mga baryo at bundok. Mula sa mga abanteng elemento ng KM na nag-aral ng MLM at kasaysayan ng lumang PKP, naglunsad ng pagsisiyasat at pagsususri, at lumubog sa masang manggagawa at magsasaka ay nailuwal ang mga batang proletaryong rebolusyonaryo na naging susi upangmuling maitayo ng PKP (MLM). Matapos nito, gumampan ng susing papel ang KM upang muling itayo ang BHB at pasimulan ang pagsusulong ng armadong pakikibaka mula sa Gitnang Luzon hanggang sa makapagpalawak sa buong bansa. Alam ng mga kabataan na masusugpo lamang ang tatlong salot sa pagkuha ng politikal na kapangyarihan mula sa mga lokal na naghaharing-uri sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan na ang primaryang porma ay armadong pakikibaka. Ang mayabong na binunga ng pagpupursige ng KM ay dahil nasapol nila ang matalas na linya ng pagsanib ng kabataang-estudyante sa masang anakpawis.
Ang kasalukuyang kalagayan ng tumitinding pabulusok na ekonomiya ng Pilipinas ang nagpapatunay na ang sinimulan ng KM ay nararapat na ipagpatuloy. Naging unibersal na nga ang pagkalam ng tiyan ng mga maralita sa ating abang bayan. At hanggang nananatili ito, magpapatuloy ang pag-iral ng rebolusyonaryong organisasyon ng mga kabataan na nagtutulak ng pagbabagong panlipunan at pangmatagalang kapayapaan. Katulad ng malaking papel ng mga kabataan sa pag-oorganisa sa hanay ng batayang masa, ganoon pa rin ang dakilang hamon sa mga kabataan ngayon. Kinakailangan ang mga kabataang organisador na buong-panahong magmulat at mag-organisa ng mga manggagawang binabarat ang sahod at inaalis ang karapatang mag-unyon at ng mga magsasakang walang lupang sasakahin para makita ng masang anakpawis ang kanilang kritikal na papel sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyong bayan at armadong pakikibaka.
Buo ang loob ng KM-Laguna na tahakin ang kaparehong landas na tinahak ng mga naunang rebolusyonaryong nagpanday sa mga ginintuang bungang inabot ng ating pakikibaka. Katulad ng kalagayan ng masang anakpawis, walang kinabukasan ang kabataang Lagunense sa isang mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan. Sila din ay magiging alipin lamang na magdurusa sa pang-aapi at pagsasamantala ng naghaharing sistema. Ngayong lumalala ang krisis ng bansa, malala rin ang krisis sa edukasyon. Maraming mga kabataan ang hindi nakatatamasa ng karapatang ito. Pinagkakakitaan ang mga kabataan, paaralan at Pamantasan sa mahal ng tuition fee at iba pang mga bayarin sa pribadong paaralan. Binabawasan naman ang budget ng mga State universities and Colleges at pampublikong paaralan. Sa loob pa nito, tinatapakan ang demokratikong karapatan ng sektor. Pinipigilang ma-organisa at mag-organisa. Ginigipit ang mga publikasyong maglathala ng mga isyung panlipunan. Ang mga konseho at organisasyon ay pinipigilang magsalita at magbigay ng kanilang opinyon. Hinaharangan ang potensyal ng mga kabataang maging progresibo at rebolusyonaryo. Ngunit hindi ito ang makapipigil sa papel ng mga kabataang baguhin ang kanyang kapalaran at kasaysayan. Malikhain, matalino, at masining ang mga kabataang Lagunense ngunit wala itong kwenta kung gagamitin ang karunungan at kagalingan upang pagsilbihan ang naghaharing-uri. Ang pinakadakilang pagbubuhos ng lahat ng lakas at husay ng mga kabataan ay kung ito ay magsisilbi sa mamamayang nilulupig ng mapagsamantalang lipunan. Ito ay sa paglilingkod sa Demokratikong Rebolusyong Bayan.
Kinakailangan ng pinakamaraming kabataan na tatahak ng primaryang porma ng DRB at magiging pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan. Katulad ng mga KM noong ’60 na walang takot tumangan ng armas at naging pulang hukbo, sila ay nag-organisa ng ilan daang mga larangan mula sa wala. Ngayong mabunga na ang kanilang nasimulan, kailangan na ng magpapatuloy, ng kakalinga at magpapayabong nito. Tinitiyak natin na hindi masasayang ang lahat ng mga sakripisyo ng ating mga martir at bayani. Tunay nga na makipot at mahirap bagtasin ang daan ng rebolusyon ngunit may tiyak itong patutunguhan, siguradong magtatagumpay ang digmang bayan.
Para sa lahat ng miyembro ng KM-Laguna at mga kabataang makababasa nito, ito na ang tamang panahong gamitin ang lakas ng ating katawan at talino upang pag-aralan ang lipunan at pagsilbihan ang sambayanan. Pagpupugay sa ika-59 na anibesaryo ng Kabataang Makabayan! Mabuhay ag rebolusyong Pilipino! Ating palagablabin ang apoy ng digmang bayan sa puso ng mga kabataan at mga mamamayan!