PRWC » Titiyakin ng rebolusyonaryong kilusan na makakamit ang hustisya para sa mag-asawang Villegas at iba pang mga biktima ng kampanyang teror ng rehimeng US-Marcos II sa Masbate!

September 22, 2023


Titiyakin ng rebolusyonaryong kilusan na makakamit ang hustisya para sa mag-asawang sina Jover “Dodo” Villegas, 40-anyos at Aimee Villegas, may apat na anak sa Sityo Basak, Barangay Luna sa bayan ng Placer nitong Setyembre 21, 2023 alas-5 ng umaga.

Matapang na isinawalat ng mga kapamilya ng biktima ang tunay na pangyayari. Papunta sa kanyang kalabaw si Jover upang magpasabsab nang bigla nalang pinagbabaril ng mga militar at CAFGU. Pinuntahan ito ng kanyang asawa matapos makarinig ng putok kung saan pinaslang din siya ng mga berdugo. Kalunus-lunos pang niratrat ang mga biktima hanggang sa madurog ang mukha ni Jover at maalisan ng mata.

Pinalalabas ng militar na nanlaban-patay sa engkwentro ang dalawa, ang umaalingasaw na kasinungalingan ng mga berdugong pwersa ng estado upang ilusot ang kanilang pagpaslang sa mga ordinaryong sibilyan sa Masbate. Sinuotan pa ng ammo pouch ang mga biktima upang gawing makatotohanan ang kanilang drama.

Walang anumang kaugnayan ang mga biktima sa rebolusyonaryong kilusan. Taliwas ito sa pahayag ng militar na may koneksyon ang dalawa sa NPA.

Asahang malaganap na maghahasik ng gulo at teror ang AFP-PNP-CAFGU sa buong prubinsya ngayong paparating na halalang pambarangay. Linalayon ng mga berdugo na ideklara ang buong Masbate bilang election hotspot upang mamanipula ang resulta ng halalan at maipuwesto ang mga kandidatong tauhan ng militar at ni Gov. Tony Kho. Sa pamamagitan nito, tiyak na mas bweladong mga pang-aabuso at paglabag sa karapatang-tao ang ilulunsad ng mga teroristang militar at pulis laban sa sibilyang komunidad upang makakuha ng mas malaking pabuya mula sa kanilang among si Marcos Jr.

Dapat panagutin ang rehimeng US-Marcos II, mga upisyal ng militar at mga lokal na kasabwat tulad ni Gov. Kho sa pagpatay sa mag-asawang Villegas at sa iba pang biktima ng kampanyang teror ng AFP-PNP-CAFGU para sa halalang pambarangay. Sila rin ang utak sa planong pambubomba sa mga bundok ng Bagulayag, Irong irong at Uac.

Nananawagan ang JRC-NPA Masbate sa mga lokal na upisyal sa mga barangay na tuparin ang kanilang mandato upang pangalagaan at protektahan ang kanilang nasasakupan. Manguna sa paglalantad sa krimen ng militar, pulis at CAFGU sa inyong mga lugar at hadlangan ang paglulunsad ng mga pakanang operasyon ng kaaway na pumapaslang sa mga ordinaryong sibilyan. Kayo mismo ay makapagpapatunay na inosenti ang mga biktima.

Sa lahat ng Masbatenyo, nananawagan ang pamprubinsyang kumand ng Masbate laluna sa mga lugar na may pamalagiang presensya o inooperasyon ng militar, pulis at CAFGU na maging alisto at maingat upang hindi maging biktima sa mga pakana ng kaaway. Huwag nating hayaang mangyari pa ito sa ating pamilya, kaanak at kapwa Masbatenyo. Pinakamatibay nating depensa ang pagkakaisa at pagtatanggol.

Malaki ang papel ng masa upang itaboy ang mga militar, pulis at CAFGU sa kanilang mga lugar na walang ibang idinulot kundi perwisyo sa kanilang buhay at kabuhayan. Kailangan nilang magkaisa, magtulungan at sama-samang kumilos. Tulad ng walis-tingting, gaano man kadami ng basura nakakaya nitong linisin dahil pinagbubuklod ito sa iisang layunin.

Higit na mas malakas ang masa kung nagkakaisa at pinagbuklod. Walang anumang magagawa ang kaaway kung hinahambalos sila sa lakas ng mamamayan. Patunay ito na walang hindi makakaya ang mamamayan basta sama-samang kumilos at lumaban. Tiyak na hindi lang mapapalayas ang mga berdugo at teroristang militar, pulis at CAFGU. Makakaya ring baguhin ng mamamayan ang sistema ng ating bayan na pinagsasahan ng mga dayuhan, rantsero at lokal na naghaharing-uri sa ating lipunan na siyang nasa likod ng pagdurusa at paghihirap ng bayan.

Tanging sa pamamagitan ng paglahok sa rebolusyon makakamit ng mg kaanak at pamilya ng biktima ang hustisya at katarungan, hindi sa takot. Ipamalas ang galit sa pamamagitan ng pagsuporta sa rebolusyonaryong kilusan, paghawak ng sandata at pagsampa sa NPA.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan Ngayon » 10th ID indiscriminately bombs and shells Bukidnon

Employing the forces of the 89th IB, 48th IB, 72nd

Environmental group reports PH gov’t not acting on anti-climate change commitments

The year-old Ferdinand Marcos Jr. government continues to implement anti-environment