PRWC » Tungkol sa balak ni Senador Padilla na imbestigahan ang diumano’y mga kaso ng rape sa CPP at NPA

August 20, 2024


Ito ang aming reaksyon sa napabalitang balak ni Sen. Robin Padilla na imbestigahan ang mga diumano’y kaso ng sexual harassment at rape sa loob ng CPP at NPA:

Una, malinaw na ang balak na “imbestigasyon” ni Senador Padilla ay isang diversionary tactic para ilayo ang pansin ng publiko sa kabalbalang pinagsasabi niya ilang araw ang nakaraan. Lumabas sa kanyang pagtatanong na napakaatrasado pa rin ng kanyang utak-macho na pagtingin sa kababaihan bilang mga sex object at parausan. Desperado ang pagpapanggap niyang may moral high ground sa usapin ng kababaihan.

Ikalawa, paano siya mag-iimbestiga sa CPP at NPA gayong hindi naman saklaw ng kapangyarihan ng senado o kanyang gubyerno ang CPP at NPA? May sariling rebolusyonaryong sistema at mga batas na ipinatutupad ang CPP at NPA. Sa maraming lugar sa Pilipinas, mayroon itong mga hukumang dumidinig sa mga reklamo at kaso. Gagawing lamang ni Padilla na perya ang senado, na siya mismo ang payaso, katuwang ang NTF-Elcac at AFP na eksperto sa paghahabi ng mga kwento laban sa CPP at NPA.

Ikatlo, tiyak naming alam na alam ni Senador Padilla, dahil minsan na niyang nakahalubilo ang NPA, kung paanong mahigpit na mahigpit na ipinatutupad ng CPP, NPA at buong rebolusyonaryong kilusan ang mga patakarang nangangalaga sa interes ng kababaihan, pati na ng mga minoryang kasarian, laban sa diskriminasyon, pang-aabuso at karahasan. Bawal ang mga rapist sa CPP at NPA, hindi katulad sa reaksyunaryong gubyerno, na nahahalal pa bilang presidente at mambabatas. Patakaran ng Partido at BHB na sinumang napatunayang nagkasala ng panggagahasa ay dapat itiwalag at parusahan.

Ikaapat, mulat na mulat ang rebolusyonaryong kilusan sa pamumuno ng CPP sa mga pagsisikap na palayain ang kababaihan sa anti-babaeng kaisipan at kulturang pyudal at burges. Bunga nito, libu-libong kababaihan ang naging mga lider at kasapi ng Partido at BHB, mga rebolusyonaryong organisasyon sa lahat ng antas.

Sa rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas, magkapantay ang mga karapatan ng mga karapatan mga babae at lalaki, maging ang mga bakla, lesbyan, at iba pang kasarian, sa pamumuno at paggampan ng mga tungkulin sa iba’t ibang larangan ng pakikibaka, kabilang ang pagiging mga kumander ng BHB.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Early Voting Begins at Turkish Points of Entry | News

On Thursday, Turkish citizens living abroad started to cast their ballots

Paboritong Pamaskong tradisyon ng mga Pinoy – Pinoy Weekly

Sabi nga ng ilang mga banyaga, kakaiba raw kung paano