Taas-suweldo ng guro, kawani, hindi tinalakay sa SONA – Pinoy Weekly


Hindi binigyan ng nararapat na pansin ang hinihinging dagdag-suweldo ng mga guro’t kawani sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hul. 22.

Sabi ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, habang binanggit ng pangulo ang ilang mga batas at inisyatiba tulad ng Teaching Allowance Act at ang pangakong Salary Standardization Law VI, hindi niya natalakay ang mahalagang kahilingan ng mga guro na itaas ang entry-level salary na P50,000 sa mga guro at P33,000 sa mga kawani.

Sa pagsisimula ng klase, patuloy na nananawagan ang mga guro’t kawani na paglaanan ng sapat na pondo ang edukasyon at pagpapabuti ng mga pasilidad sa mga pampublikong paaralan.

Iginiit din nila na tugunan na ang kanilang matagal nang hiling na pagtaas ng suweldo upang makaagapay sa pang-ekonomiyang hamon na hindi pa rin natutugunan ng gobyerno.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!