Tanaw | Direksyon ng paglilingkod – Bulatlat


Fr. EDPRIM GAZA, CM

Unang pagbasa: Bilang 11, 25-29
Salmo: Salmo 18, 8.10.12-13.14
Ikalawang pagbasa: Santiago 5, 1-6
Mabuting Balita: Marcos 9, 38-43.45.47-48

Death anniversary noon ni Pinky, ang aking matalik na kaibigan, nag pasya kaming dumalaw sa kanilang probinsya sa Pangasinan. Halos 12 years din ako na di nakabalik doon, dalawang marunong mag-drive ang aking sinama. Yung isa, waze ang tinitingnan, tinuro kami sa isang daan na dead end naman. Kaya nag desisyon ang isang kasama namin na magtanong tanong, at natunton namin ang bahay nila Pinky. Mahusay ang makabagong panahon upang mapabilis ang ating mga gawain subalit lumilikha naman ito ng paglayo natin sa kapwa. Ang mensahe ni Hesus ay lumaganap noong ipinahayag ito ng iba at hindi lang sa limitadong kanyang mga kaibigan at isang paraan. Sa ating panahon, kinikilala natin na mabisa ang social media, subalit mabisa pa rin ang malawak na kayang maabot ng pakikipag k’wentuhan at malalim na pakikipag-kapwa.

Tukso sa atin ang mangamba kapag hinahayaan natin ang kapwa na magsumikap gumawa ng inisyatiba. Parati na ang tingin sa gawa ng iba ay kulang o di kaya mali. Mas mabilis ngayon mag hanap sa internet ng sagot kaysa magtanong sa kapwa. Kaya tuloy, ang iba rin ay nawawalan ng kumpyansa sa sarili.

Isang beses, napagalitan ako ng aking guro dahil sa report ko, di ko kasi sinunod ang binigay na book kundi gumamit pa ako ng ibang resources upang lalu kong mas maunawan at mapaunawa sa iba. Binabago daw ang instruction at di raw ako sumusunod. Di ko sinasadyang di sumunod, ibig ko lamang mas maunawaan ng iba ang aking sasabihin

Sa unang binasa, sa aklat ng Bilang, si Eldad at Medad ay nagpahayag din ng kanilang pananalig na ikingulat ng iba, kaya ibig silang ipasaway kay Moises, ngunit mismong si Moises ang nag paala-alang pawiin ang pangamba at mangarap para sa karamihan.

Mananatili ang ating pangamba at lalalim ang matinding insecurity, kung hindi natin babasagin ang kaisipang tayo-tayo lang o ako lang ang batayan. Kaya sa ikalawang binasa mula kay Santiago ay muling paala-ala: kung ano man meron tayo na nagbibigay sa atin ng yaman, rangya ay hihiyaw dahil sa ating mga naapakang iba.

Malaki ang role ni Pinky sa buhay ko, siya ang isa sa masisipag na nagdala sa akin sa pamayanan ng mga katutubo. Ilang mga araw akong tsinagang kausapin at basagin ang mga nakamulatang comfort zone, subalit napakabisa ng pagbabad sa pamayanan ng mga nangangailangan. Sila ang tunay na guro upang di kumitid ang ating pananalig at pang-unawa.

May kanya-kanya tayong pinagmulan, kanya-kanyang paraan upang ipahayag ang pananalig, kanya-kanyang pinag dadaanang suliranin at saya sa buhay: subalit lahat tayo ay inaanyayahan ng iisang Diyos di sa isa lang na pananalig kundi sa paglilingkod at pagmamahal sa labis na nangangailangan.

May bago ng bahay sa tabi nila Pinky subalit yung bahay kung saan kami tumutuloy ay yun pa rin ang itsura, at nakasabit pa rin ang picture na katibayang grumadweyt sya. Gradweyt na nga si Pinky sa buhay na ito, subalit yung mga hinubog niya ay buhay pa rin at naiwan at nagpapatuloy. Tunay na lumalaganap ang kabutihan kapag ipinapasa at pinararamdam sa iba.

Balik-Tanaw is a group blog of Promotion of Church People’s Response. The Lectionary Gospel reflection is an invitation for meditation, contemplation, and action. As we nurture our faith by committing ourselves to journey with the people, we also wish to nourish the perspective coming from the point of view of hope and struggle of the people. It is our constant longing that even as crisis intensifies, the faithful will continue to strengthen their commitment to love God and our neighbor by being one with the people in their dreams and aspirations. The Title of the Lectionary Reflection would be Balik –Tanaw , isang PAGNINILAY . It is about looking back (balik) or revisiting the narratives and stories from the Biblical text and seeing, reading, and reflecting on these with the current context (tanaw).





Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!