Tanggol-karapatan sa Timog Mindanao, inaresto – Pinoy Weekly


Inaresto ng mga elemento ng pulisya ang dating secretary general ng Karapatan-Southern Mindanao na si Jayvee Apiag sa Davao del Sur sa bisa ng mga arrest warrant sa mga gawa-gawang kasong attempted murder na nakasampa sa Digos City at Davao City.

Kinondena ng Karapatan-Southern Mindanao ang pag-aresto sa kanilang dating kasama at kinastigo ang pagkakait kay Apiag na makausap ang kanyang pamilya at abogado.

Dinampot si Apiag ng mga pulis na nakasibilyan habang papasakay sa sasakyan ng kanyang kaklase para pumasok sa School of Law ng Cor Jesu College sa Digos City noong Ago. 13 ng 5:15 p.m. Nasa ikalawang taon na ng abogasya ang inarestong tanggol-karapatan.

Dinala si Apiag sa Digos Police Station at kinuhanan ng mugshot at fingerprint. Pumunta ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group para kuhanan din siya ng mugshot at fingerprint. Dumating naman ang mga pulis mula sa Buhangin Police Station para ihain ang arrest warrant mula sa korte sa Davao City.

Kasalukuyang nakadetine si Apiag sa Buhangin Police Station sa Davao City.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!