Tutulan ang nagbabadyang charter change – Pinoy Weekly

February 10, 2024


Sumasang-ayon ako sa panawagan na dapat tayong maging totoo sa mga panganib na dala ng pagbabago ng Konstitusyon ng 1987.

Walang constitutional mandate na nagsasabi ng saklaw ng charter change.

Sang-ayon ako kay retired Associate Justice Antonio Carpio na isang revision at hindi amendment ang pagbabago ng paraan ng pagboto para sa constituent assembly. Hindi ito puwedeng gawin sa pamamagitan ng petition o initiative.

Sa ngayon, wala sa ating pangako na mananatiling economic provisions ang layunin ng charter change sa halip na term extensions o pagbuwag ng mga partylist. Wala kasing ganitong limitasyon ang legal parlance.

Walang kongkretong patunay na susundin nila ang sinasabi sa publiko na sa economic provisions lang iikot ang charter change.

Maraming mambabatas rin ang kinikilala ang mga panganib na maaaring mangyari. Habang ang ibang mambabatas naman, minamaliit ang panganib. Ayon sa kanila, ang taumbayan pa rin naman ang magdedesisyon kung tatanggapin ang mga proposal o hindi.

Ang puwede nating gawin sa ngayon ay pagtuunan ng pansin ang kahihinatnan ng charter change sa halip na pagkaabalahan ang magiging anyo ng constituent assembly.

Walang kongkretong patunay na susundin nila ang sinasabi sa publiko na sa economic provisions lang iikot ang charter change.

Ngayong tanda na natin ang panganib, ang tanong, kailangan ba talaga natin baguhin ang Konstitusyon para sa ekonomiya?

Hindi. Matagal nang ginagamit ang batas para itulak lalo ang liberalisasyon sa ating ekonomiya.

Isang halimbawa ang amendment ng Public Service Act na nagpapaluwag ng mga kahingian para sa foreign ownership. Grabe ang naging pagtulak sa amendment na ito ngunit hindi pa naman natin dama ang epekto sa ating ekonomiya. Kung hindi naman agad na madadama ang epekto, bakit minamadali ang pagbabago sa Konstitusyon?

May mga constitutional provision ba na kailangan baguhin?

Tunay namang may mga pagbabagong kinakailangan: ang paggawa ng self-executory anti-political dynasty provision; paggawa sa Commission on Human Rights bilang independent constitutional commission; pagbabago, at hindi pag-alis, ng partylist system para maging mas inklusibo ang representasyon; pagpapalawak ng Bill of Rights upang maisama ang mga socio-economic at cultural na karapatan natin, pati na ang paghingi ng pananagutan sa paglabag ng mga karapatang ito.

Sa kabila nito, duda akong magdadala ng progresibong pagbabago ang constitutional convention kung pangungunahan ito ng mga delegadong district-elected.

Panghuli, agad bang matutugunan ng charter change ang mga hamon na hinaharap ng bansa natin ngayon?

Mga hamon gaya ng inflation, climate emergency, paglabag sa karapatang pantao, insurhensiya, korupsiyon, kahirapan, ‘di pagkakapantay-pantay, at kawalan ng katarungan.

Hindi.

Kaya ang sagot ko rin sa charter change ngayon: hindi dapat.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

A people of Hope – Bulatlat

Easter spells hope in the midst of darkness. By FR.

PRWC » Dakilain ang buhay at pakikibaka ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza, isang huwarang komunista at pinuno ng masa!

Magkasanib na pahayagLeona ParaguaTagapagsalita, NDF-PalawanatAndrei Bon GuerreroTagapagsalita, BVC-NPA Palawan Sampu