Unyon ng UP Hotel, nagprotesta – Pinoy Weekly

July 1, 2024


Nagprotesta ang University Hotel Workers Union-KMU-NCR (UHWU) noong Hun. 2 dahil sa paglabag ng management ng University Hotel (UH) sa University of the Philippines Diliman sa collective bargaining agreement (CBA).

Sa pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sinabi ng mga manggagawa na hindi ibinigay ng UH ang kaukulang allowance nila para sa leave credential, clothing allowance at due process sa suspensiyon na nakapaloob sa CBA.

Desidido ang mga empleyado na kalampagin ang UH upang balikan at ipatupad ang mga napagkasunduang benepisyo sa mga empleyado.

Sinabi naman ni UHWU vice president Jerry Podo na dapat silang harapin at kausapin ng management para masolusyunan ang kanilang problema.

Nagpapatuloy ang protesta ng mga manggagawa dahil walang inilalapag na solusyon ang management ng UH para sa mga hinaing ng empleyado.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

Utos ng Palasyo – Pinoy Weekly

Nitong Mayo 20, ilang araw bago magbakasyon ang mga mambabatas,

Ang Bayan Ngayon » Mga estudyante at guro sa India, nagprotesta laban sa kontra-insurhensyang operasyon SAMADHAN-Prahar

Nagtipun-tipon ang mga estudyante at guro ng Delhi University sa