Uncategorized

Unyon sa LBC, magwewelga vs pambabarat sa sahod – Pinoy Weekly

Unyon sa LBC, magwewelga vs pambabarat sa sahod – Pinoy Weekly


Naghain ng Notice of Strike ang mga manggagawa ng LBC Express Metro Manila sa National Conciliation of Mediation Board matapos umabot sa deadlock ang kanilang collective bargaining agreement (CBA) sa pagitan ng manedsment at unyon.

“Itong strike na gagawin namin ay isang huling sagot, para mapakinggan ang manggagawa, dahil sinagad na ang pasensya namin,” ani Warren Bartolome, pangulo ng unyon, sa panayam ng Pinoy Weekly. 

Mula sa P72 na umento sa sahod na hinihingi ng unyon sa loob ng tatlong taon, ibinaba ng manedsment sa P32 ang dagdag-sahod sa CBA na naging mitsa ng deadlock at napipintong welga.

Unang hiling ng unyon noong Setyembre 2025 na dadagan ng P100 sa sahod sa loob ng tatlong taon. Sa pangalawang serye ng pakikipag-usap, inalok sila ng manedsment ng P40.  Sa pangatlong negosasyon, tinanggap ng unyon bilang “good faith” na P14, P10 at P8 mula sa lumang CBA noong pandemya

“Pinakinggan namin ang management at naiintindihan din namin ang kanilang paliwanag, pero hindi ito sapat sa pang-araw-araw na gastusin namin,” sabi ni Bartolome.

Kumita ang LBC ng P14,000,000 noong 2025, habang ang mga manggagawa ay tuloy-tuloy pa rin sinasahod ng mababa ang mga truck driver, warehouse sorter at clerk.

Ang LBC Express ay isang delivery at logistics company sa Pilipinas na kilala sa pagpapadala ng mga pakete, dokumento, baggage at Balikbayan box sa iba’t ibang bahagi ng bansa. 

Ayon kay Bartolome, ipapakita ng kanilang unyon ang kakayahang ng sama-samang pagkilos para makamit ang tagumpay para sa nakabubuhay na sahod.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning