VAT sa digital services, inaprubahan ni Marcos Jr. – Pinoy Weekly


Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12023 o Value Added Tax (VAT) Digital Services Law na magpapataw ng 12% VAT sa mga digital service tulad ng online search engines, digital media, advertising at at iba pang serbisyo sa internet.

Sinabi ng gobyerno na maaaring makakolekta ng P105 bilyon mula dito, ngunit maraming sektor ang nag-aalala sa epekto nito sa mga gumagamit ng mga digital service.

Tinawag na “dagdag pahirap” ng Computer Professionals’ Union (CPU) ang bagong buwis.

Imbis umano na patawan ng bagong pahirap ang mamamayan, sinabi ng CPU na dapat taasan ang buwis sa malalaking korporasyon, tanggalin ang VAT at iba pang buwis sa mga bilihin at serbisyo, at paghusayin ang pangongolekta ng buwis.

Pinuna rin ng ilang eksperto ang timing ng batas lalo na’t maraming Pilipino ang umaasa sa mga digital platform para sa kabuhayan at edukasyon sa panahon ng patuloy na economic recovery.

Sa halip umano na magbigay ng suporta, dagdag na pabigat pa sa mga ordinaryong mamimili at maliit na negosyante ang bagong buwis.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!