VERA FILES FACT CHECK: HINDI nag-eendorso si Doc Liza Ong ng pabango sa ari ng babae


(Editor’s Note: Unang nilathala ang fact check na ito sa Ingles noong Mayo.)

Ilang pekeng Facebook page ang gumagamit kay Doc Liza Ramoso-Ong bilang endorser ng pabangong nakagagamot daw ng mga impeksiyon at amoy sa ari ng babae. Peke ito.

Ang pabangong Vitoria ay wala sa listahan ng mga may Certificates of Product Notification ng Food and Drug Administration. Hindi rin ito nakarehistro bilang tagagawa (manufacturer), tagakalakal (trader), o tagabahagi (distributor) ng gamot at cosmetics.

Noong May 9, nag-post ang pekeng Facebook page na “Doctor Lizza R.ongg – Health Tips” na nirekomenda raw ni Doc Liza ang Vitoria, na may mga sangkap daw laban sa bakterya at pamamaga at nagpapagaling ng mga impeksiyon sa ari ng babae.

Ang umiikot na scam ay may link kung saan nabibili ang Vitoria. Kailangan magbigay ng personal na impormasyon para makakuha ng “discount”. Ang post ay mayroon ding picture ni Doc Liza raw na may pasyente.

ANO RAW: HINDI nag-eendorso si Doc Liza Ong ng pabango sa ari ng babae

Pero hindi si Doc Liza ang medical worker sa picture. Ang picture ay mula sa mga Vietnamese blog tungkol sa pag-e-examine ng ari ng babae.

Ang post ng pekeng Facebook page ay may picture din ng isang vlogger na inedit para magmukhang may hawak na Vitoria.

May edited ding certificate ang website ng Vitoria na beautyshop68.asia. Ayon sa Institute of Global Certification, ang certificate number na 20-A-2575 ay pag-aari ng isang kompanya sa Korea na gumagawa ng chlorine dioxide.

Ilan pang pekeng Facebook page ang gumamit ng mga lumang vlog ni Doc Liza tungkol sa maamoy na discharge mula sa ari ng babae at hinalo sa mga patalastas ng Vitoria para lalong makapanlinlang.

Ilan pang Facebook page ang nag-edit  din ng mga picture ni Doc Liza.

Noong April 18, inulit ni Doc Willie Ong, asawa ni Doc Liza, na ang nag-iisang ineendorso nila ay gatas para sa matatanda, kayâ ang ibang produktong gumagamit ng pangalan nila ay peke. Pinaalala rin ni Doc Willie na sundan lang ang official social media channels nila.

Noong nakaraang buwan, pinasinungalingan din ng VERA Files Fact Check ang iba pang mga Facebook page na nagpapanggap na Doc Liza.

Ang post ng pekeng Facebook page na “Doctor Lizza R.ongg – Health Tips” (ginawa noong May 9, 2023) ay napanood nang higit isang milyong beses. May ilan pang pekeng Facebook page na nag-post ng kagayang pekeng pag-eendorso, gaya ng “D.O.C LIZZA – ONG” (ginawa noong May 31, 2021 bilang Walaypassword111111111), “Dr. Liza ong – Health Tips” (ginawa noong May 8, 2023), “Dr. Kilimanguruu Daily” (ginawa noong March 24, 2023 bílang Vinn FPV Daily Stories) at “Doktor. LIZZA ONG – Health Tips” (ginawa noong Aug. 21, 2022 bílang 75252).

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!