VERA FILES FACT CHECK: HINDI namimigay ng ayuda si Sen. Robin Padilla at DSWD


(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong June 19.)

Nagpakalat ang isang netizen ng pekeng anunsyong nagsasabi na tumatanggap ng aplikasyon ang opisina ng senador at ng departamento para sa P3,000 na ayuda sa mahihirap.

Sabi sa Facebook (FB) posts ng isang netizen:

“Ngayong Araw tatanggap na po Ang opisina ni Sen. Robin Padilla Ng mga MABIBIGYAN NG Tulong PINANSYAL 3,000 pesos Mag palista na Dito.”

Ang posts ay may picture pa ni Sen. Robin para magmukhang totoo.

Pero, sa pamimigay ng ayuda, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay walang opisyal na pakikipagtulungan sa sinumang politiko o mambabatas.

Maraming pekeng posts ang nagta-tag sa DSWD, kaya pinaalala ni Dianne Joie Ruiz, Director IV ng DSWD Social Marketing Service, na manatiling mapagmasid ang publiko.

Para hindi malito, iwasan ang mga hindi kilala at hindi napatunayang mga pinagmulan ng impormasyon. Magtiwala lang sa official website at social media accounts ng DSWD at sa kanilang mga tauhan sa Central Office at Field Offices.

Ayon sa DSWD director, hindi kailangang magparehistro para makakuha ng ayuda at iba pang benepisyo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). May mga pamantayan din kung sino ang mga puwedeng makakuha ng mga benepisyo ng 4Ps. Mula sa listahan ng mahihirap na pamilya, ang mga may anak na edad 18 taon pababa o kung may buntis sa pamilya ay puwedeng makakuha ng mga benepisyo ng 4Ps, basta payag silang sumunod sa mga kondisyon.

Ang pekeng posts ay nakakuha ng halos dalawang libong interactions. Pinost ang mga ito noong parehong araw kung kailan hinimok ni Agriculture Party-list Rep. Wilbert Lee na taasan ng DSWD ang ayuda ng 4Ps.

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)





Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!