VERA FILES FACT CHECK: KASINUNGALINGAN ang video ng pag-atake raw ng Iran sa Israel 


(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Oct. 24, 2023.)

Isang Pinoy Facebook netizen ang nag-upload ng video ng eroplanong pandigma raw ng Iran na pinupuntirya ang Israel dahil sa lalo pang lumalalang giyera ng Israel at Hamas. Kasinungalingan ang video. Ang totoo’y pag-eensayo ito para sa isang pagtatanghal.

Ini-upload noong Oct. 22, ang 13-segundong video ay nagpakita ng formation ng apat na eroplanong lumilipad habang may sirenang nag-iingay.

Sabi sa kasinungalingang video: 

“Iran aircraft attacking on (sic) Israel.” 

Ang video ay unang ini-upload sa TikTok bago kumalat sa Facebook. 

Ang ipinapakita sa video ay ang Thunderbirds, ang elite demonstration squadron ng United States Air Force na nag-eensayo para sa air show nila nitong October. 

Kapag ini-reverse image search ang video, matutuklasang kinuha ito sa YouTube video na ini-upload ng KHOU 11 TV station sa Texas nitong Oct. 14

Sinabi sa caption ng totoong video ang konteksto nito:

“Raw video: Thunderbirds rehearse for Wings Over Houston.”

Nitong Oct. 14 hanggang 25 sa Texas, itinanghal ng Thunderbirds ang mga kakayahan ng F-16 Fighting Falcon jets sa pamamagitan ng mga pagpapalipad nang sama-sama at mag-isa. 

Note: Pindutin ang litrato para makita ang totoong kopya at konteksto.

Ang kasinungalingang video ay ini-upload dalawang linggo matapos itanggi ng foreign ministry ng Iran na may papel sila sa pag-atake ng Hamas sa Israel nitong October. 

Mayroong rehiyonal na alyansa ang Hamas sa Iran, Syria at Shi’ite Islamist group na Hezbollah sa Lebanon. Tinututulan ng mga grupong ito ang mga patakaran ng America sa Israel at Middle East. 

Kamakailan, ang Foreign Minister ng Iran na si Hossein Amir-Abdollahian ay nagbabala sa America at Israel na kung hindi nila ititigil agad ang mga krimeng laban sa sangkatauhan at pagpatay sa lahi ng mga taga-Gaza, kahit ano ay possible sa kahit anong sandali at hindi na makokontrol ang gulo sa rehiyon.  

Pinasisinungalingan ng VERA Files Fact Check ang mga mali at nakapanliligaw na mga post na kumakalat online tungkol sa giyera.

(Basahin MISLEADING video shows Beirut explosion, NOT Israel-Hamas conflict)

Ang kasinungalingang video na ini-upload sa Facebook ay may higit 1,400 reactions, 398 comments, 179 shares at 107,000 views. Ang TikTok video namang ini-upload ni @latestupdaes091 ay may higit 25,100 reactions, 1,031 comments, 218 shares at 2,200,000 views.

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!