VERA FILES FACT CHECK: Mga PEKENG Facebook page, nagpapakalat ng mga PEKENG CHED scholarship

December 25, 2023


(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Nov. 30.)

Isang picture na kumakalat sa Facebook ang nagsasabing nagbukas daw ng application ang Commission on Higher Education (CHED) para sa college scholarship. Peke ito. Ang CHED scholarship application ngayong taon ay natapos na noong pang May. 

Ipino-promote ng pekeng post ang pekeng Professional Regulation Commission website, na ang totoo’y para sa investment at sugal.

Ang pekeng graphic na may CHED logo at ini-upload noong Nov. 22 ay may nakasulat na:

“CHED SCHOLARSHIP PROGRAM 2023-2024. Full Allowance for Private College/University P120,000. Full Allowance for Public College/University P80,000.”

At may caption na:

“CHED SCHOLARSHIP NOW OPEN SEND YOUR APPLICATION HERE.” 

Sa Facebook post niya noong Nov. 28, nilinaw ni CHED Chairperson Prospero De Vera na wala na ngang CHED scholarship application sa kasalukuyan.

Ayon kay De Vera, ang application para sa mga CHED scholarship at ayuda ay mula March 1 hanggang May 31 taun-taon. At may sinusunod na patakaran kung sinu-sino ang uunahin para sa de-kalidad na scholarship. Ang dami ng iskolar ay nakabase sa laki ng pondo ng CHED.

Ang 2023-2024 application para sa CHED scholarship na nagbibigay ng P120,000 sa mga estudyante ng private universities at P80,000 para sa mga estudyante ng public universities ay natapos na noong pang May 31

Samantala, ang Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) ng CHED ay tumatanggap pa rin ng mga application para sa kanilang Tertiary Education Subsidy (TES).

Nilinaw ng UniFAST na hindi full scholarship ang TES, kundi ayudang P20,000 bilang dagdag suporta lang sa mahihirap na estudyante.

Hinikayat ni De Vera ang mga netizen na i-follow ang official website at social media accounts ng CHED para sa mga update tungkol sa scholarship.

Hinikayat din ng CHED ang mga netizen na i-report ang mga peke at kaduda-dudang scholarship at ayuda. 

Ini-upload ng mga pekeng page na DSWD CASH Assistance at PRC Board, ang pekeng graphic ay may higit 5,000 reactions, 9,000 comments at 25,000 shares.

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)





Source link

VERA Files

VERA Files is a nonstock, nonprofit, independent media organization. Founded in March 2008, it is published by veteran Filipino journalists taking a deeper look into current Philippine issues. Vera is Latin for “true.”

Don't Miss

No rice subsidies, cash assistance for El Niño-stricken local food producers – KMP

The latest report from the National Disaster Risk Reduction and

Mga puwede at ‘di puwede sa Traslacion 2024 – Pinoy Weekly

Makikibahagi ka ba sa Kapistahan ng Traslacion ng Itim na