Sa pag distansya ng kanyang sarili sa matagal nang pagsisikap ng gobyerno na mabawi ang umano’y ill-gotten wealth ng kanyang pamilya, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “hindi niya ginalaw” ang alinman sa mga kasong isinampa laban sa kanila pagkatapos ng 1986 EDSA People Power Revolution. Ito ay hindi totoo.
PAHAYAG
Sa isang presidential forum sa pagdaos ng ika-50 anibersaryo ng Foreign Correspondents Association of the Philippines noong Abril 14, tinanong ng mamamahayag na si Raissa Robles si Marcos tungkol sa kanyang posisyon sa ilang dekadang paghahabol ng gobyerno sa umano’y ill-gotten wealth ng kanyang pamilya.
Robles singled out the government’s ongoing recovery of the assets of the shell corporation Arelma, Inc., through which the late dictator Ferdinand Marcos Sr. supposedly hid $3.37-million (now worth $40 million). The assets are currently held in New York and would need a separate ruling by a state court before the assets can be released and turned over to the Philippine government.
Partikular na binanggit ni Robles ang patuloy na pagbawi ng gobyerno sa mga ari-arian ng shell corporation na Arelma, Inc., kung saan itinago umano ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr. ang $3.37-million (na nagkakahalaga na ngayon ng $40 million). Ang mga ari-arian ay kasalukuyang nasa New York at mangangailangan ng isang hiwalay na desisyon ng korte ng estado bago maipalabas ang mga ari-arian at ibigay sa gobyerno ng Pilipinas.
Si Marcos, isang co-administrator ng Marcos estate, ay sumagot:
“It’s hard for me to answer. You clearly know more about the case than I do. I really haven’t looked at it in years. I would advise you to talk to the lawyers that are handling it because I’m not… I’m not being specious or anything like that. Matagal ko nang hindi narinig ‘yung pangalan na Arelma. We were still in Hawaii when we were hearing that name, so we haven’t really been attending to it. The cases, the previous cases, the cases that were filed post-1986, I have not touched.”
(“Mahirapan para sa akin ang sumagot. Malinaw na mas marami kang alam tungkol sa kaso kaysa sa akin. Ilang taon na talagang hindi ko tinitignan iyan. Ang maipapayo ko ay makipag-usap ka sa mga abogadong humahawak niyan dahil hindi ako… Hindi ako nagkukunwari o parang ganyan. Matagal ko nang hindi narinig ‘yung pangalan na Arelma. Nasa Hawaii pa kami nang marinig namin ang pangalang iyon, kaya hindi pa namin ito naasikaso. ‘Yung mga kaso, ‘yung mga naunang kaso, ‘yung mga kasong na-file pagkatapos ng 1986, hindi ko na ginalaw.”)
Pinagmulan: RVMalacañang, Foreign Correspondents Association of the Philippines’ 50th Anniversary Presidential Forum, Abril 15, 2024, panoorin mula 25:29 hanggang 26:04
Idinagdag ng pangulo:
“It would be highly improper for me to involve myself in that. Besides, I don’t have the time to do it, so I leave it to the lawyers.”
(“Hindi tama na makialam ako tungkol diyan. At saka, wala akong panahon para gawin iyan, kaya hinahayaan ko na ang mga abogado.”)
Pinagmulan: panoorin mula 26:07 hanggang 26:19
ANG KATOTOHANAN
Ang mga desisyon ng Korte Suprema (SC) noong 2012 at 2014 ay nagpapakita na si Marcos ay nakikialam sa paglilitis ng mga kaso na may kaugnayan sa Arelma, Inc. noon pa mang makabalik ang pamilya sa Pilipinas mula sa pagkakatapon sa Hawaii noong 1991.
Ang pangulo at ang kanyang ina, si dating unang ginang Imelda Marcos, ay nagpetisyon sa Korte Suprema noong Okt. 22 at Okt. 29, 2009, ayon sa pagkakasunod-sunod, na baligtarin ang desisyon ng Sandiganbayan noong Abril ng taong iyon na nag-uutos na bawiin ang mga ari-arian ng Arelma pabor sa gobyerno.
Pinagtibay ng SC ang desisyon ng Sandiganbayan noong Abril 2012, ngunit hinamon din ng mga Marcos ang desisyong ito. Tinanggihan ng SC ang kanilang petisyon at isinara ang pinto sa anumang apela noong Marso 2014.
Sa dalawang magkahiwalay na pahayag noong 2016, sinabi ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na sa isang “litigasyon na umabot ng higit 20 taon,” “nanguna si Marcos Jr. upang pigilan ang maagang paggawad ng pondo ng Arelma sa mamamayang Pilipino, ” at siya ay isang signatory sa mga bahagi ng verification at certification sa mga paglilitis sa mga kaso ng ill-gotten wealth laban sa kanyang pamilya.
BACKSTORY
Noong 2014, pinal na itinanggi ng Korte Suprema ang mga petisyon nina Marcos Jr. at Imelda na tumututol sa forfeiture ng mga ari-arian ng Arelma, na unang iniutos ng Sandiganbayan noong 2009.
Noong 2012, ipinagtibay ng Mataas na Hukuman ang desisyon ng Sandiganbayan, at sinabing nabigo ang mga Marcos na maglabas ng tamang isyu na para mabigyan-katwiran ang pagrepaso ng desisyon ng anti-graft court.
Sinabi ng mga mahistrado na ang mga petitioner ay “muling nagtangka na ipagpaliban ang layunin ng pagbawi ng asset sa pamamagitan ng kanilang pag-iwas at ang napakadaling pagpapahayag nang kawalang-malay,” sa pamamagitan ng pagbanggit sa kanilang “kakulangan ng kaalaman” sa mga paratang na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas.
“Ang isang hindi maipaliwanag na pagtanggi ng impormasyon sa loob ng kontrol ng nagsusumamo, o madaling ma-access sa kanya, ay umiiwas at hindi sapat upang bumuo ng isang epektibong pagtanggi,” sabi ng desisyon.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
Inquirer.net, Ex-PCGG exec recalls Marcos Jr.’s role in ill-gotten wealth cases, March 4, 2022
Reuters, How Marcos could control hunt for his family’s wealth as Philippines president, May 3, 2022
OneNews PH, BIR To Study P203-B Marcos Estate Taxes, Dec. 15, 2022
Rappler, Will PH fight to get $40-million Marcos loot in New York? ‘I leave it to lawyers’, April 16, 2024
Inquirer.net, NY court hearing on $41M for Marcos victims | Inquirer Opinion, July 25, 2019
Bravo Philippines, Swift: Can Marcos allow PCGG to embarrass him?, Aug. 27, 2022
Supreme Court of the Philippines E-Library, G.R. No. 189434, April 25, 2012
Supreme Court of the Philippines E-Library, G.R. No. 189505, March 12, 2014
The Philippine Star, SC asked to reaffirm ruling on forfeiture of $40-M Arelma funds, April 11, 2013
Presidential Commission on Good Government, PCGG WELCOMES FAVORABLE DECISIONS IN FAVOR OF THE REPUBLIC, Feb. 7, 2016
Presidential Commission on Good Government, PCGG Fast Facts: Arelma Case, April 13, 2016
Inquirer.net, SC affirms forfeiture of Marcos’ $40-M Arelma assets, April 1, 2014
Philstar.com, Sandigan orders turnover of $42-M Marcos account, Aug. 27, 2014
GMA News Online, The Supreme Court’s rulings on the Marcoses’ ill-gotten wealth, Sept. 21, 2017