Welga kami! Larawan ng pakikibaka ng mga tsuper – Pinoy Weekly


Dalawang araw bago ang tangkang phase out sa mga tradisyonal na dyip, bumuhos sa kalsada ang libo-libong mga tsuper at operaytor mula sa Metro Manila at Calabarzon. Nasa bingit ang kanilang kabuhayan na sa loob ng ilang dekada ay tanging pinagmumulan ng kanilang pagkain sa mesa at pagpapaaral sa mga anak. 

Ilang petisyon na ang naisumite at ilang sulat na din ang naipadala, subalit ang tugon sa kanila ng gobyerno ay pagtanggal sa kanilang kabuhayan. Kapag dumating sa puno’t dulo at hindi nadaan sa pakiusapan, ang natatanging sandigan ng mga mahihirap ang welga. 

Kung matibay ang desisyon ng gobyernong Marcos Jr., sa pangunguna ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board, na alisan ng prangkisa at kabuhayan ang mga maliliit na opereytor at drayber, tutumbasan din nila ito ng matibay na pagkakaisa katuwang ang mga komyuter at organisasyon ng mamamayan.

Pagtitipon ng mga drayber at opereytor ng dyip sa UP Diliman para sa pagkakasa ng welga. 

Raquel Samarita, 47.

“Mabigat ang konsolidasyon. Parang lisensiya. Kapag hinuli niyo ako, ayaw niyo na ibigay ang lisensiya ko, wala na akong magagawa. Hindi na ako puwede magmaneho. Panghabang-buhay na papatayin kami. Ang mga drayber, kagaya ng asawa ko, ay may edad na. Hindi na siya tatanggapin sa lahat ng pabrika, kahit anong trabaho, isa pa mahihirapan siya dahil hindi naman siya gradweyt.”

Clarita Alvero, 63.

“Ipinaglalaban namin na huwag sana pilitin magconsolidate kasi alam naming ang mangyayari sa sasakyan namin na hindi na naming pag-aari.

[Simula] 1979 pa nagmamaneho ang asawa ko e. 64 years old na siya. Ang pinambuhay namin sa mga anak kong lima pagdadrayber na. Walang ibang alam na trabaho ang asawa ko. Pagmamaneho lang ng dyip. Mula nang natuntong sa Maynila ang asawa ko drayber na siya. Ang tatlong anak ko pati dalawang manubang ay sa manibela na nabuhay.”

Pag-aalay ni Fr. Robert Reyes ng misa para sa mga tsuper at opereytor ng dyip na lalahok sa welga. 

Paglalagay ng panawagan sa kanilang dyip upang ipabatid sa publiko ang dahilan ng welga. 

Panawagan ng mga tsuper na ibasura ang PUV Modernization Program ng gobyernong Marcos Jr., at pagpapawalang-bisa sa taning ng phaseout sa traditional na dyip sa Dis. 31.

Martsa ng mga tsuper at opereytor ng dyip patungong Mendiola, Maynila.

Isinama ng ilang tsuper ang kanilang anak sa welga.

Pagharang ng mga pulis ng Manila Police District sa mga welgista sa paanan ng Mendiola.

Matapos ang negosasyon sa mga pulis ay naigiit ng mga welgista na makarating at makapaglunsad ng programa sa Mendiola. 

Pagpapakita ng lakas at pagkakaisa: buong bulto ng mga kumilos na tsuper at maliliit na opereytor sa kahabaan ng España Blvd., Maynila. 



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!