Welga sa klima, ikinasa ng kabataan – Pinoy Weekly


Nagsagawa ng climate strike ang Youth Advocate for Climate Action Philippines (Yacap) at 350 Pilipinas sa apat na paaralan sa Metro Manila noong Set. 20 upang igiit ang katarungang pangklima sa gitna ng tumitinding epekto ng climate change sa mga bulnerableng bansa tulad ng Pilipinas.

“Nais naming maging malinaw ang aming mensahe: hindi tayo magkakaroon ng katarungang pangklima kung walang katarungang panlipunan, at dapat tayong kumilos ngayon para sa kapakanan ng ating kinabukasan,” ayon sa pahayag ng Yacap. 

Nakiisa ang University of the Philippines (UP) Diliman, UP Manila, Polytechnic University of the Philippines at Philippine Science High School-Main Campus sa protesta sa lumalalang krisis sa kalikasan at problemang dulot ng climate change. 

Dapat umanong magkaroon ng mga diyalogo sa mga komunidad para pag-usapan ang mga sakuna sa bansa.

Nanawagan din ang mga kabataan na panagutin ang estado sa harap ng mga pinsala sa kalikasan na dulot ng rehimeng Marcos Jr.

Kinondena nila ang patuloy na paggamit ng fossil fuel para sa negosyo at ang panggigipit ng estado sa mga tanggol-kalikasan mula pa sa panahon ng batas militar.



Source link

Support the Campaign

No to Jeepney Phaseout!