Uncategorized

52 araw na welga sa Lanao del Norte, tagumpay – Pinoy Weekly

52 araw na welga sa Lanao del Norte, tagumpay – Pinoy Weekly


Matagumpay na nakamit ng Newtech Pulp Workers Union-Federation of Democratic Labor Organization (NPWU-FDLO) sa Balo-i, Lanao del Norte ang kanilang hinihinging dagdag-sahod matapos ang 52 araw na welga.

Ito’y matapos salubungin ng manedsment ng Newtech Pulp Inc. (NPI), isang subsidiary ng multinational na korporasyong Magnera ng United States, ang mga hinaing ng mga manggagawa.

Naaprubahan ang dagdag na halos P52 kada araw o P1,360 kada buwan na kita ng mga manggagawang rank-and-file

Bagaman hindi ito ang naunang numerong inihain ng grupo na dagdag P69 kada araw o P1,800 kada buwan, itinuturing pa rin itong tagumpay sa dagdag-sahod na dati’y P500 kada araw.

Ang mga supervisor nama’y makatatanggap ng P1,460 na dagdag sahod kada buwan, malayo rin sa inihahain na P2,000.

Samantala, makalipas ang ilang dekada, nagtagumpay rin ang mga manggagawa na makatanggap ng dalawang araw na day-off tuwing makalipas ang anim na araw na trabaho.

Nauna nang ibinasura ng kompanya ang kanilang hiling dahil sa umano’y pagbabago ng demand ng produksiyon, dahilan para matulak ang mga manggagawa na maglunsad welga noong Marso 6, kung saan nasa higit 100 empleyado ang nakiisa.

Pinahahalagahan ng NPWU-FDLO ang mga tulong at suportang kanilang natanggap sa nagdaang welga.

Anila, ang boses ng masa, katulong ang iba’t ibang grupo, ang naging daan at hakbang upang makita at mapakinggan sila ng kompanya.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning