53 mamamahayag, patay sa Israeli siege sa Gaza – Pinoy Weekly

November 24, 2023


Tinatayang nasa 53 na mamamahayag ang kabilang sa mahigit 14,000 na nasawi mula nang magsimula ang digmaan sa Gaza Strip nitong Okt. 7, ayon sa pinakabagong tala ng Committee to Protect Journalists (CPJ).

Ito na umano ang deadliest na buwan para sa mga mamamahayag mula noong 1992, taon kung kailan nagsimulang mangalap ng datos ang grupo, ayon sa CPJ.

“Journalists across the region are making great sacrifices to cover this heart-breaking conflict. Those in Gaza, in particular, have paid, and continue to pay, an unprecedented toll and face exponential threats,” ani Sherif Mansour, program coordinator ng CPJ Middle East and North Africa.

“Many have lost colleagues, families, and media facilities, and have fled seeking safety when there is no safe haven or exit,” dagdag ni Mansour.

Sa bilang, 46 sa mga nasawi ay Palestinian, apat ay Israeli at tatlo naman ang Lebanese.

Labing-isa rin ang naiulat na nasaktan, tatlo ang nawawala, 18 ang napabalitang na aresto.

Nakapagtala rin ang CPJ ng mga pag-atake, pagbabanta, cyberattacks, censorship at pagpatay sa mga miyembro ng pamilya ng mga mamamahayag.

Sa kasalukuyan, nasa 13,000 sa nasawi ay mula Palestine at 1,200 ay sa Israel.



Source link

Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Don't Miss

PRWC » Maharlika Investment Scam, sistematikong pakana sa korupsyon ng rehimeng US-Marcos II

Pinatinding krisis sa ekonomya at malawakang korupsyon ang ihahatid ng

PRWC » Mga manggagawa sa unahan ng rebolusyon sa 135 taon ng Mayo Uno

Ipinararating ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), ang abanteng destakamento