80-90% bagsak na kita, daing ng mga mangingisda bunsod ng epekto ng oil spill, reklamasyon sa Manila Bay –

August 5, 2024


Nagsagawa ng press conference ang Kalikasan People’s Network for the Environment kasama ang mga grupo ng PAMALAKAYA, AGHAM, Akap Ka Manila Bay, PMMB at ang Promotion of Church People’s Rights sa Bulwagang Nicanor Delos Santos sa Quezon City para talakayin ang usapin tungkol sa epekto ng oil spills, reclamation projects, at disaster response failure ng administrasyong Marcos Jr. ngayong Agosto 5.

Ayon sa mga grupo, malaki ang naging dagok at epekto ng mga nabanggit na usapin ang kabuhayan ng mamamayan lalo na ng mga maliliit na mangingisda.

“Sa hanay naming mga mangingisda ay dagdag na naman pong pasakit itong problema sa oil spill, mula doon sa napadami naming problemang kinakaharap, tulad ng halimbawa nitong sa mapaminsala na proyektong reklamasyon na talagang dilubyo sa aming kabuhayan nakung saan ay 80-90% yoong binagsak ng aming kita dahil dito,” aniya Rommel Arambulo ng PAMALAKAYA.

“Dito po sa bahagi ng Bataan ay umaabot na po sa 9,000 thousand na halos apektado noong oil spills, ngayon ay may nagaganap ng fishing banned, ibig sabihin 100% totally talagang walang kabuhayan ang mga mangingisda dahil dito sa fishing banned,” dagdag pa ni Arambulo.

Mayroong dalawang maritime incident na ang nagdulot ng oil spill sa Manila Bay noong nakaraang linggo: MT Terra Nova noong Hulyo 25, at ang MTKR Jason Bradley cargo vessel noong Hulyo 27. 

Ayon kay Arambulo, malaki rin ang naging pagbaba ng presyo ng isda na sinasamantala ng mga traders bunsod ng oil spills upang mabili sa mas murang halaga ang mga huling isda.

“Kung meron man na pagkakataon na makapangisda itong mga mangingisda sa mga lugar na wala namang oil spill, ay nasasamantala ng mga traders ‘yong isyu ng oil spills — kung saan ang presyo ng halubaybay o salinas na dati ang ang farmgate na nasa 120 pero ngayon ay 50 pesos na lang kada kilo ‘yong kuha ng mga traders.” saad ni Arambulo. 

Ayon naman kay Natold Eco ng AGHAM, compounding disaster ang epekto ng oil spill sa usaping pangkalusugan.

“Iyong iba ay nahihirapan sila sa paghinga dahil nalalanghap nila ‘yong simoy ng langis. Ang pinkamalubha ay direktang epekto sa kanila ay sa kabuhayan” dagdag ni Eco.

Binigyang diin naman ni Leah Valencia ng PCPR ang paglahok ng mamamayan na para sa SOS Save Manila Bay Alliance.

“Kaya dapat lang na sa panahon na ito, ay mabuo ng isang samahan na makakapag hikayat ng mas maraming mamamayan sa Manila Bay, mga siyentista, mga mangingisda katulad ni Kuya Bing at iba pang mga makakalikasan na buuin ang SOS to save Manila Bay Alliance,” ani Valencia.

Sa huli, nanawagan ang mga grupo na panagutin ang San Miguel Corporation bunsod ng nagpapatuloy na reklamasyon sa Bulacan at Navotas na malaki ang pinsala sa mga komunidad at kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda sa palibot ng Manila Bay.

Ayon pa sa kanila, mainam din na maging bahagi ang mamamayan para makialam at makiisa sa pagbibigay-solusyon sa isyu ng oil spill.

Noong Hulyo 30, may Isang instructor mula sa Bulacan na nanawagan sa mga barber shop at salon na mangalap o mangolekta ng mga buhok para i-donate sa Bataan.

“Tinatawagan ko po ng pansin ang mga ‘Salon at Barber Shop’ sa buong Bulacan na kung pwede po sana ay paki-ipon po ang mga buhok na pinag gupitan para i-donate po natin sa Bataan para sa pantanggal ng oil-spill,” ani Jeffrey Lobos ng Bulacan State University sa kanyang Facebook post.



Source link

Don't Miss

Palestine Urges International Pressure to Halt Israeli Settlers

On Sunday, Palestinian authorities called for international pressure on the Israeli

Ericson Acosta injured way before fatal shots, after he already died

National Democratic Front of the Philippines (NDFP) peace consultant and