Magsasaka’t manggagawang bukid nagpiket sa ahensyaBitbit mga panawagan, hinaing mula sa HaciendaLupang laon nang sinasaka, sa kanila’y ipagkaloob na‘Pagkat kanilang kabuhaya’y dito inaasa.
Sa ilalim ng mga trapal sa gilid ng kalsada‘Sansaglit naki-umpukan, sa kanila nakiisaNilahad ng matatanda kanilang pagdurusaMababang pasahod, alipin ng Hacienda.
Mahinanahong nagpaliwang, matyagang nakinigSa mahinang tinig at kalmadong mga bibig‘Di matumbasang hirap ng pasahod na kayliitPagpupuyos sa galit sa among pasakit.
Kung anong tamis ng asukal s’ya namang pait ng kalagayanTumitinding gutom, kawalan ng kabuhayanPinapaslang, pinapalayas sa lupang tirahanMga manggagawang bukid, magsasaka sa tubuhan.
Sakadang dinusta’t sinamantala, saan pupuntaKamaong kuyom, pagpumiglas di ipagtatakaAnumang tangka ng estado’ng itumba silaSa magkakabigkis nating paglaban, lupa’y tiyak na lalaya!
