Uncategorized

‘Di naman tayo uunlad sa purong sipag at tiyaga lang – Pinoy Weekly

‘Di naman tayo uunlad sa purong sipag at tiyaga lang – Pinoy Weekly


Sa Makati City, sa likod na nagtataasang gusali at kaunlaran, naghihirap pa rin ang maramingkapos-palad na maralita. Wala silang tirahan at pagkain sa araw-araw dahil sa kawalan ng trabaho o sapat na nakabubuhay na sahod.

Nagpapahinga ang isang maralita sa footbridge malapit sa Guadalupe Nuevo, Makati City. Maruko Alfonso/Pinoy Weekly

Halos 4.5 milyong Pilipino ang walang tirahan ayon sa Depaul International. Mula sa Kamaynilaan ang dalawang katlo o two-thirds ng bilang na ito.

Hindi alintana ng manggagawa ang tirik na araw habang pinapanood siya ng kanyang kasamahan.Tinatrabaho nila ang bagong sidewalk na kanilang kinukumpuni na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na EDSA Rehabilitation Phase 1.

Mga manggagawang nasa ilalim ng tirik na araw habang nagkukumpuni ng sidewalk sa EDSA Guadalupe Southbound. Maruko Alfonso/Pinoy Weekly

Kalunos-lunos ang pinapasan ng mga tsuper ngayon sa sobrang taas ng presyo ng langis. Halos napupunta na lang ang kinikita nila sa pang-boundary at panggasolina sa kanilang pampasadang jeepney.

Nagbibilang ng kita ang isang tsuper ng modernized jeep na may rutang Guadalupe-Gate 3 Fort Bonifacio. Maruko Alfonso/Pinoy Weekly

‘Di man direktang naapektuhan ang Pilipinas ng giyera sa West Asia, butas na butas naman ang mga bulsa ng ordinaryong mamamayan.

Luging-lugi rin ang mga courier service rider dahil sa mababang bayad sa mga biyahe nila. Apektado rin sila ng oil price hike at  tanging ayuda ang naging solusyon ng pamahalaan.

Kakatapos lang ng drop-off ng isang courier service rider sa isang kalye malapit sa Guadalupe Nuevo, Makati City. Maruko Alfonso/Pinoy Weekly

Dahil sa pabayang administrasyon, binawian ng buhay ang isang rider ng sa mga transport network vehicle service (TNVS) sa gitna ng pila para sa kakarampot na P5,000 na ayuda sa Quezon Memorial Circle noong Abril 18. Nakapila na simula alas-kuwatro ng umaga ang ibang rider, pero inabutan pa rin sila sa cut-off sa bigayan ng ayuda. 

Iginiit ng marami na mas kailangan ang nakabubuhay na sahod at pagbaba ng presyo ng bilihin imbis na ayuda. Band-aid solution lang ito at saglit lang ang P5,000 dahil sa patuloy na pagtaas ng bilihin.

Naglilibang ang isang bantay sa talyer habang naghihintay ng kliyente na magpaayos ng sasakyan. Maruko Alfonso/Pinoy Weekly

Napilitan na ring magtaas ng singil ang ilang talyer dahil sa implasyon. Kahit ayaw nila, kailangan nilang gawin ito para hindi malugi at may maiuwi sa kanilang pamilya.



Source link

Pinoy Weekly
Pinoy Weekly

Ang Pinoy Weekly ay pahayagang online at print na naglalathala ng mga istorya, imahe at opinyon ng mardyinalisadong mga sektor ng lipunan, kabilang ang mga manggagawa, magsasaka, kabataan, kababaihan, migrante at iba pa. Maliban sa paglalathala sa internet, naglalabas ang Pinoy Weekly ng lingguhang magasin, gayundin ang Pinoy Weekly Special Issues.

Stay Connected

The PinoyAbrod Daily Brief — in your inbox every morning