Nagsisimula pa lamang ang Balikatan war games ng Estados Unidos sa Pilipinas noong 2001, nakabaril na ang isang sundalong Amerikano ng isang sibilyang Pilipino, si Buyong-Buyong Isnijal. Katulong ang pamahalaan ng Pilipinas na pagtakpan ang insidente, patunay ng pagpapakatuta nito sa mga imperyalista.
Pakinggan ang krimen ng Estados Unidos sa Pilipinas, dito sa ika-13 sa serye ng maigsing dramang panradyo na unang inilabas ng Kodao noong 2001.
Muling inilalathala ito sa gitna na tumitinding presensiya ng militar ng US sa bansang Pilipinas.
(Mga larawan mula sa US military at NDFP)
