Aktibista, marahas na inaresto sa gitna ng clearing operation sa Pasay City –

August 4, 2024


Biglang dinampot ang aktibistang si Benedict Macabenta ng Pasay City Police habang isinasagawa ang clearing operation sa demolisyon sa Donald Compound, FB. Harrison St. sa Pasay City kahapon, Agosto 3.

Itinulak din ang pagsasampa ng kasong direct assault kay Macabenta ni PO1 Abel Ambularyo.

Ayon sa mga paralegal na kasama ni Macabenta, hinahablot na rin sila ng kapulisan kung kaya siya ang pumagitna para makipagnegosasyon.

“Ginigiit ng pulis kung bakit kami nagvivideo eh sinasabi naming nagdodocument kami. Bigla nalang din kaming hinahablot ng kapulisan. Kami ang mga unang hinawakan,” ani Albert Kim Minoza ng Karapatan National Capital Region.

Sa gitna ng negosasyon, napahiwalay si Macabenta at bigla na lamang siyang napadapa. Doon na siya pilit na inaresto ng mga armadong kapulisan.

Makikita sa kuhang video ang nangyaring panghuhuli kay Macabenta. Pinipigilan ding makalapit sa kanya ang mga paralegal.

Sumama kay Macabenta ang tatlong indibidwal kasama ang mga paralegal nang dalhin ito sa Pasay City Police Station.

Ayon kay Gabriel Yanson ng Bagong Alyansang Makabayan NCR, nagsagawa ng medicolegal ngunit blangkong papel lamang ito kalakip ang pirma at thumbprint ni Macabenta. Dagdag pa, wala ring isinagawang konsultasyon sa kabila ng natamo niyang mga sugat.

“Wala akong sinapak. Hinold ako ng mga pulis tapos sinapak ako sa mukha,” ani Macabenta habang nasa Investigation and Detective Management Branch ng Pasay City Police.

Gayumpaman, itinulak pa rin ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Si Macabenta ay lider-aktibista mula Anakbayan Manila na nakiisa sa pakikipaglaban ng mga residenteng apektado ng demolisyon sa Donald Compound.



Source link

Don't Miss

VERA FILES FACT CHECK: Circulating text ‘preventing Meta from using photos’ is OLD HOAX 

An old hoax is again making the rounds on Facebook

International tribunal hears ‘war crimes’ charges

This month, on May 17-18, the International Peoples’ Tribunal, a