₱750 dagdag-sahod, itinulak ng 12 grupo sa paggawa sa Southern Tagalog

March 28, 2023

Nagsampa ng pinag-isang petisyon sa Regional Wage Board IV-A ang 12 grupo sa paggawa sa ilalim ng Workers Initiative for Wage Increase (WIN4WIN) para sa dagdag-sahod kahapon, Marso 27.

Layunin ng petisyon na itaas tungong ₱750 kada araw ang iba’t ibang antas ng sahod sa rehiyon. Sa kasalukuyan, mayroong apat na “klasipikasyon” ang sahod sa Calabarzon: ₱470, ₱429, ₱390, at ₱350. Para magkaroon ng komun na sahod, kakailanganin na itaas nang ₱280, ₱321, ₱360, at ₱400 para sa iba’t ibang lugar.

“Depende sa lugar ng pagawaan, iba-iba po ang sahod dito sa aming rehiyon. Deka-dekada na pong pahirap ang Wage Rationalization sa mga manggagawa sa Southern Tagalog. Ngayon po, ipinapakita namin ang malawak na pagkakaisa ng mga manggagawa sa Rehiyon IV-A para magkaroon ng iisang minimum para sa lahat ng manggagawa sa Calabarzon,” pahayag ni Mary Ann Castillo, tagapagsalita ng WIN4WIN.

Diin ng mga manggagawa na kailangan ng dagdag-sahod para makakaagapay sila sa nagtataasang presyo ng mga bilihin at serbisyon. Sa kanilang taya, nakaltasan nang ₱90 ang kasalukuyan nilang sahod dulot ng implasyon. Nakahanda silang lumahok sa pagkilos sa Mayo Uno para igiit ang kanilang hiling.

“Kailangan at makatwiran ang dagdag sahod. Marami na pong nagsalita tungkol sa sahod, ngayong Labor Day – pakinggan naman sana tayo ng gobyerno!” sambit ni Castillo.

Ang WIN4WIN ay binubuo ng Metal Workers Alliance of the Philippines, Bukluran ng Manggagawang Pilipino Southern Tagalog, Kilusang Mayo Uno, Federation of Free Workers, Confederation of Filipino Workers, National Federation of Labor Union, Drug, Food and Allied workers Federation, Kilos na Manggagawa Southern Tagalog, TF2- Kilos Damit, Workers Assistance Center, Workers in Semiconductor at Electronics Network, at Kilusan ng Manggagawang Makabayan -Katipunan.

Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » Ligalig sa loob ng AFP-PNP sa unang taon ni Marcos Jr.

Sa unang taon ni Marcos Jr., pangita ang kawalan ng

2 aktibistang dinukot ng militar, ni-rescue ng taumbayan – Pinoy Weekly

Sa harap ng mga nakiisa sa protesta sa CHR, nagpasalamat