Ang Bayan » ₱493 bilyon, nadagdag sa yaman ng mga bilyunaryong burges at burukratang Pilipino sa gitna ng papatinding kahirapan

August 15, 2023


Lalo pang nagkamal ng yaman ang mga multi-bilyunaryong Pilipino sa gitna ng pagdurusa ng mamamayan at habang bumabagal ang kabuuang ekonomya. Noong Agosto 10, isinapubliko ng magasin na Forbes ang listahan ng mga “dollar billionaire” (bilyunaryo sa halagang dolyar) ng Pilipinas para sa taong 2023. Sa listahang ito, mapapansing lumaki pa nang ₱493 bilyon ang yaman ng 50 pinakamayamang Pilipino tungong ₱4.4 trilyon noong nakaraang taon.

Nangunguna sa listahan ang magkapatid na Sy na may halagang $14.4 bilyon o ₱806.4 bilyon sa palitang $1=₱56. Kasunod si Manny Villar na may halagang $9.7 bilyon (₱543.2 bilyon), Enrique Razon, $8.1 bilyon (₱453.6 bilyon), Ramon Ang, $3.4 bilyon (₱190.4 bilyon) at Tony Tan Caktiong at kanyang pamilya, $3.2 bilyon (₱179.2 bilyon). Ang mga burgesya at burukrata-kapitalistang ito ang may pinakamalalaking kumpanya sa Pilipinas na nag-eempleyo ng libu-libong manggagawa, karamihan mga kontraktwal.

Tatlo sa kanila ay kumukontrol sa malalaking tradisyunal na partido na pawang “kakampi” ng naghaharing pangkatin ni Ferdinand Marcos Jr. Kontrolado ni Villar at kanyang pamilya ang Nacionalista Party, na may nakaupong apat na senador at 38 kongresista. Pinamumunuan naman ni Razon ang National Unity Party na may 39 kongresista at ang Nationalist People’s Coalition na hawak noon ni Eduardo Cojuangco Jr, ang pumanaw nang amo ni Ramon Ang na may limang senador at 33 kongresista.

Liban dito, nakaupo sa senado ang asawa ni Villar na si Cynthia Villar at hawak ang makapangyarihang komite ng agrikultura at pagkain, gayundin sa komite para sa mga pampublikong korporasyon, pati na ang kanyang anak na si Mark Villar, na dating kalihim sa Department of Public Works and Highways sa panahon ni Duterte. Nakaupo naman bilang kongresista ang isa pa niyang anak na si Camille Villar. Kung paghahambingin, ang yaman ni Manny Villar ay katumabas ng minimum na sahod ng isang manggagawa sa loob ng 2,400,000 taon.

Kung papatawan ng “wealth tax” ang yaman ng bilyunaryong ito nang 1%-3%, mababawasan lamang ng ₱32 bilyon ang kabuuan nilang halaga.

Ang iba pang bilyunaryo sa listahan ng Forbes ay ang: pamilyang Aboitiz, na may $3.15 bilyon (₱176.4 bilyon); Lance Gokongwei at mga kapatid, $3 bilyon (₱168 bilyon); Isidro Consunji at mga kapatid, $2.9 bilyon (₱162.4 bilyon); Jaime Zobel de Ayala at pamilya, $2.8 bilyon (₱156.8 bilyon); Lucio Tan, $2.6 bilyon (₱145.6 bilyon); Lucio at Susan Co, $2.3 bilyon (₱128.8 bilyon); magkapatid na Ty, $2.2 bilyon (₱123.2 bilyon); pamilyang Po, $1.4 bilyon (₱78.4); William Belo, $1.3 bilyon (₱72.8 bilyon); Vivian Que Azcona at magkapatid, $1.2 bilyon (₱67.2 bilyon)

Samantala, naitala sa mga sarbey na tumaas nang 1.5 milyong ang bilang ng pamilyang mahihirap at nasa hangganan gn kahirapan mula Hunyo 2022 at Hunyo 2023. Gayundin, tumaas nang 100,000 ang bilang ng mga pamilyang naubos ang impok o wala nang kakayahang mag-impok, mula pangalawang kwarto noong 2022 hanggang pangalawang kwarto ngayong taon.

Tuluy-tuloy na bumabagal ang paglago ng gross domestic product ng bansa (GDP) sa loob ng tatlong kwarto. Ngayong taon, naitala ang GDP sa 4.3% noong Abril-Hunyo, mas mababa kumpara sa 6.4% noong Enero-Marso. Pinakamaliit ang paglagong ito mula 2011. Bago nito, pababa na rin ang GDP mula sa 7.7% sa pangatlong kwarto ng 2022, tungong 7.1% sa pang-apat na kwarto sa naturang taon.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan » Piston to hold nationwide strike as jeepney phaseout deadline nears

Drivers and operators will once again conduct a two-day transport

China to Set Up Military Training Base in Cuba, WSJ Claims

On Tuesday, the Wall Street Journal (WSJ) published a report stating