Ang Bayan » 3 na maysakit na Pulang mandirigma, dinukot at sadyang pinatay ng AFP

April 2, 2023


Tatlong maysakit na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Northeastern Mindanao Region ang inabangan sa mga ospital, dinukot at sadyang pinatay ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong nagdaang linggo. Ito ay sa kabila ng malinaw nilang istatus bilang mga hor de combat o wala sa katayuang lumaban. Ang mga pagpatay ay seryosong paglabag sa internasyunal na makataong batas at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and Interntional Humanitarian Law (CARHRIHL).

Noong Marso 26, dinukot ng mga armadong pwersa ng estado ang mag-asawang sina Dano at Rosalia Caindoy sa isang ospital sa Misamis Oriental habang nagpapagamot. Si Dano ay labis na nanghihina at namayat dahil sa seryosong mga sakit.

Sa sumunod na araw, pinalabas ng AFP na napatay ang mag-asawa sa isang engkwentro sa pagitan ng yunit nito at ng BHB sa Sityo Vertodazo, Barangay San Juan, Bayugan city, Agusan del sur. Ibinalandra ng mga sundalo ang bangkay ng dalawa at nilagyan ng mga armas para palabasing nagkaroon ng armadong sagupaan.

Noong Marso 29, dinukot naman ng AFP si Emanuel Llanos Anob, 67 at maysakit, sa haywey sa Butuan City. Galing sa ospital si Anob nang dukutin siya. Naiulat pa ng kanyang mga kaanak ang kanyang pagkawala bago mapag-alamang pinatay siya. Basta na lamang inilagak ng mga sundalo ang kanyang bangkay sa isang funeral home sa Bayugan City noong Marso 30. Pinalalabas na napatay si Anob sa isang engkwentro sa hangganan ng Barangay Umalag at Castillo, San Miguel, Surigao del Sur.

Ang dalawang kaso ng sadyang pagpatay ay labag din sa Ika-4 na Bahagi, Artikulo 4 ng CARHRIHL kung saan ipinagbabawal ang “hindi pag-uulat sa identidad, personal na kalagayan at sirkunstansya ng isang taong pinagkaitan ng kanyang kalayaan sa mga dahilang may kaugnayan sa armadong labanan sa mga Partido…” (Numero 5); at “karahasan sa buhay at pagkatao, partikular ang pagpatay o pagpinsala, pagpapailalim sa pisikal at mental na tortyur…” (Numero 1).

Nang madakip ang tatlo, dapat ay kinilala ang kanilang mga karapatan bilang mga personahe na sangkot sa armadong tunggalian o bihag ng digma at bigyan ng tamang pagtrato at proseso sang-ayon sa mga napirmahang kasunduan sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines at Gubyerno ng Republika ng Pilipinas.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Did Davao city prosper because of the Dutertes?

That was the big question in 2016 when Rodrigo Duterte

How the world watches the De Lima case

It is a fait accompli. The world is intensely observing