Ang Bayan » 4 na pistola, nakumpiska ng BHB sa operasyong dis-arma

August 17, 2023


Nakumpiska ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang apat na pistola mula sa ahente ng militar na si Pen-pen Fajardo sa Sityo Mora, Barangay Pinukawan, Vallehermoso, Negros Oriental noong Agosto 13.

Lantaran ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ni Fajardo sa mga sundalo. Kilala siya sa pagiging abusado at panggigipit sa mga residente. May mga kaso siya ng walang patumanggang pamamaril sa komunidad. Itinuturing ng mga resident na mapaminsala at negatibo ang kanyang mga kilos sa komunidad.

Samantala, inilinaw ng BHB-Central Negros na hindi lahat ng mga kasapi ng Guardians, grupong kinabibilangan ni Fajardo, ay target ng armadong aksyon ng hukbong bayan. Anito, ang mga katulad lamang niya na may ugnayan sa militar ang target ng armadong aksyon ng BHB.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » Ilunsad ang independyente at makatarungang imbestigasyon kaugnay sa krimen ng 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA sa mamamayang Mindoreño!

  Kagalang-galang na Atty. Dennis MosqueraRegional DirectorCHR MIMAROPA Mainit at

Marcos Cha-cha will worsen dependence on forced migration

Press Statement  06 March 2023 Migrante-International vehemently opposes the Charter