Ang Bayan » AFP, binansagang “child killer” ng NDFP

June 20, 2023


Mariing kinundena ng Special Office for the Protection of Children of the National Democratic Front of the Philippines (SOPC-NDFP) ang brutal na pagmasaker sa pamilyang Fausto, kabilang at mag-asawang Rolly at Emilda, kasama ang kanilang dalawang menor-de-edad na anak na sila Rabin, 11 at Ben, 15, noong Hunyo 14 sa Himamaylan City, Negros Occidental.

“Ang karumal-dumal na aktong ito ay lantarang paglabag sa mga karapatan ng bata at espesyal na mga proteksyon sa ilalim ng internasyunal na makataong batas,” pahayag ni Coni Ledesma, pinuno ng SOPC-NDFP. “Lalo nitong inilalantad ang AFP na walang galang sa batas at walang utak na mga mamamatay bata.”

“Dumarami ang mga paglabag sa karapatan ng mga bata sa ilalim ng rehimeng Marcos II alinsunod sa mga ulat ng pangingidnap, pambabanta, pwersahang pagpapalikas, karahasan, at ngayon ang pagpatay sa dalawang bata.” Sa isla ng Negros lamang, mayroon nang 22 kaso ng karahasan ng estado, kung saan sangkot ang mga bata, sa pagitan ng 2020 at 2022.

“Ang isang rehimen na nangkikidnap, nambabanta at pumapatay sa sarili nitong mga bata ay pasista at di makatao, at nararapat na kundenahin ng internasyunal na komunidad,” aniya. “Hindi marapat na hayaan ang rehimeng US-Marcos na maghari nang walang kapararakan at dapat itong papanagutin sa mga buhay ng mga bata na kinitil nito.”



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan » 2 backhoe, pinaralisa ng BHB sa Himamaylan City

Pinaralisa ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South

PRWC » Patibkeren ti kolektibo a pigsa ti masa! Gubat ti umili, saan a chacha!

Makaapleng ti tagari ken rinnikiar iti agturturay a dasig kanaig