Ang Bayan » Ahenteng paniktik ng militar, inambus ng BHB sa Masbate

June 2, 2023


Tinambangan ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate ang tatlong ahenteng paniktik ng militar sa Barangay Barag sa bayan ng Mobo, Masbate noong Mayo 29, alas-8 ng gabi. Agad napatay ang dalawang ahente habang nasa kritikal na kalagayan ang isa pa.

Kinilala ang dalawa sa tatlo bilang sina Nestor Purisima (alyas Renbo) at Junjun Solicito. Si Purisima, ayon sa BHB-Masbate, ay dating Pulang mandirigma na tumiwalag sa kilusan, sumuko at naging aktibong ahente ng militar.

Sangkot ang tatlo sa iba’t ibang mga kaso ng pamamaslang, pananakot, pambabanta at pagnanakaw ng ani sa mga magsasaka sa una at ikalawang distrito ng prubinsya.

Ayon kay Ka Luz del Mar, tagapagsalita ng BHB sa prubinsya, “babala ang nasabing ambus sa lahat ng taksil sa mamamayan. Hindi na dapat magpatuloy sa pagiging sunud-sunuran at tuta ng militar at pulis sa ilinulunsad nitong maruming gera laban sa masang Masbatenyo.”

Hinamon ni del Mar ang mga CAFGU at ahenteng militar na tuluyan nang talikuran ang pagiging kasangkapan sa kontra-mamamayan at kontra-rebolusyonaryong kampanya ng rehimeng Marcos Jr.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Thousands Rally in New York in Support of Palestinians

On Friday afternoon, thousands of people gathered in a rally

PRWC » Pamamayagpag ng militar ng US sa ilalim ng papet na rehimeng Marcos

Sa harap ng pamamayagpag ng ilanlibong mga tropang Amerikano, dala