Ang Bayan » Aktibistang pamilyang de la Cerna, nakalaya matapos magpyansa

July 28, 2023


Nakalaya ngayong araw, Hulyo 28, ang pamilyang de la Cerna matapos ang lampas tatlong taong di makatarungang detensyon matapos magpyansa ng P600,000. Nakalaya sina Karina de la Cerna, at ang kanyang mga magulang na Albert at Ma. Pilar Dela Cerna, isang pamilyang organisador ng mga magsasaka sa Negros.

Ang pamilya ay inaresto sa Bacolod City noong Oktubre 31, 2019 kasama ang 54 na iba pang aktibista at mga lider-masa batay sa itinanim na ebidensya noong Oktubre 31, 2019. Noong 2021, ibinasura ng korte ang search warrant na ginamit para kasuhan ng illegal posession of firearms sina Karina, kanyang ama, kasama ang apat pa. Gayunpaman, hindi nakalaya si Karina, kasama ang kanyang mga magulang, dahil sa pagsampa sa kanila ng gawa-gawang kaso ng human trafficking. Noong Mayo 31, kinatigan ng korte ang petisyon ng pamilya para makapagpyansa.

Si Karina ay national deputy secretary general ng National Network of Agrarian Reform Advocates (NNARA)-Youth at pinakabatang detenidong pulitikal sa Negros. Ang mga mga magulang ay parehong aktibo sa pagdepensa sa karapatan ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa Negros.

“(I)pinaabot namin ang aming taus-pusong pasasalamat sa lahat ng mga indibidwal at organisasyon na sumuporta sa kampangyang Free Karina! Free the de la Cerna Family!” pahayag ng NNNARA-Yputh ngayong araw. Panawagan nila ang tuluyang pagbabasura sa lahat ng gawa-gawang kaso na isinampa sa pamilya, at ang pagpapalaya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal na di makatarungang ikinulong ng estado.

Inilinaw ng grupo na kahit nakalaya na ang pamilya, hindi sila ligtas sa patuloy na panggigipit at karahasan ng estado. Paglabas pa lamang nila sa kulugan, agad nang nagtalaga ang estado ng mga ahente para ipailalim sila sa sarbeylans, ayon sa grupo. “Patunay ito na gagawin ng lahat ng estado para patahimikin ang mga kritiko nito, at ang mga organisador ng magsasaka sa buong bansa.”



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Türkiye's Annual Inflation Rate Climbs to 58.94 Pct in August

Türkiye’s annual inflation rate rose to 58.94 percent in August,

‘Waste of funds,’ SONA protesters on charges filed by police

Bayan Southern Tagalog asserted that the QCPD is “wasting funds”