Ang Bayan » Ayuda sa maralitang biktima ng sakuna, iginigiit

October 2, 2023


Nanawagan ang Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan (PLM) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kagyat na bigyan ng ayuda ang mga maralitang residente ng Payatas, Quezon City na nalubog ng abot-baywang na baha noong huling linggo ng Setyembre. Dismayado sila sa kawalang aksyon ng gubyerno. Anila, ganito palagi ang sitwasyon ng mga residente ng Payatas at iba pang lugar tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.

Nalubog ang maraming bahay sa bahang idinulot ng napakalakas na pagbuhos ng ulan noong Setyembre 26, ayon sa grupo. “Epekto ito ng El Niño, at pinalala ng mga ‘proyektong pangkaunlaran’ na hindi inisip ang magiging perwisyo nito sa mga nakapaligid na komunidad,” giit ng PLM.

Halos isang linggo matapos ang pagbaha, patuloy na iginigiit ng PLM na harapin sila ng DSWD at tugunan ang pangangailangan ng ayuda para sa mga nasasalanta. “Bilang ahensya ng gubyerno na dapat nagtitiyak ng serbisyong panlipunan, hindi makatarungan na pinagmamakaawa pa nila ang mga biktima ng sakuna para sa ayuda,” dagdag ng grupo.

Nagpatutsada pa ang grupo sa ₱125 milyong confidential funds na ginastos ni Sara Duterte sa loob ng 19 na araw noong 2022 na anila ay pwede sanang nagamit para sa pagbangon ng mga maralitang nasasalanta ng kalamidad at sakuna.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Marcos’ claim that ‘many policemen are in jail’ for drug-related offenses needs context

In a March 4 interview on Australian Broadcasting Corporation (ABC)

A Boat With 50 Migrants Near Malta Calls for Urgent Rescue | News

On Friday, a drifting boat carrying around 50 migrants onboard