Ang Bayan » Bagong-panganak, asawa niya, inaresto ng 11th IB

May 26, 2023


Iligal na dinakip ng mga elemento ng 11th IB ang bagong-panganak na si Miralyn Fortunado at asawa niyang si Rani Casilao noong Mayo 14 sa Barangay Talalak, Santa Catalina, Negros Oriental. Ayon sa ulat, kapapanganak lamang ni Fortunado nang dakipin ng militar kasama ang kanyang asawa at dinala sa hedkwarters ng 11th IB sa Barangay Salag, Siaton.

Sa pahayag ni Ka Estrella Banagbanag, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southeast Negros (Rachelle Mae Palang Command), ang dalawa ay naka-medical leave. Matapos umanong maaresto ang dalawa, pinilit ng militar si Casilao na “makipagtulungan” at magsilbing giya sa operasyong kombat ng militar. Tinakot umano sila na ikukulong kung hindi susunod.

Wala pang karagdagang ulat kaugnay ng bagong silang na sanggol ni Fortunato.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

PRWC » Lumaban para sa tunay na demokrasya at kalayaan! Kabataan, tahakin ang landas ng armadong paglaban!

Sa okasyong ito ng ika-59 anibersaryo ng pagkakatatag ng Kabataang

Military Situation In Syria On June 3, 2023 (Map Update)

Click to see full-size image On June 3, the Russian