Bagong tayong detatsment ng militar sa Negros Oriental, pinasabugan ng BHB

March 17, 2023

Pinasabugan ng dalawang rifle grenade ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang detatsment ng 62nd IB sa Barangay Malangsa sa Vallehermoso, Negros Oriental kahapon. Ayon sa ulat ng yunit, isinagawa ito bandang alas-7:30 ng gabi. Dalawang sundalo ng 62nd IB ang napatay habang dalawang iba pa ang nasugatan.

“Ligtas na nakaatras ang mga mandirigma ng BHB matapos magpaputok nang walang direksyon ang mga tropa ng militar,” ayon kay Ka JB Regalado, tagapagsalita ng BHB-Central Negros.

Paliwanag ni Ka JB, matagal nang inirereklamo ng mga residente ang naka-istasyong tropa ng 62nd IB sa naturang barangay. Nakatanggap umano ng ulat ang yunit na sapilitang pinagtatrabaho ng mga sundalo ang mga residente ng Barangay Malangsa, pilit inaakusahan at pinasusuko bilang diumano’y “suporter” ng hukbong bayan, at iba pang paglabag sa karapatang-tao.

Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss