Labag sa internasyunal na makataong batas na nilapastangan ng mga sundalo ng 50th IB ang bangkay ni Onal Osia Balaoing (Ka Puk-et), isang Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), matapos mapatay sa isang engkwentro sa Balbalan, Kalinga noong Marso 9. Paulit-ulit pang pinagbabaril ng mga sundalo ang kanyang bangkay hanggang sa lumuwa ang mga lamang loob. Maraming bahagi din ng kamay at paa niya ay nabali.
Ang paglapastangan sa bangkay ng napatay sa isang engkwentro ay labag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL.
Nilabag ng 50th IB ang ang Ika-4 na Bahagi, Artikulo 3, Numero 4 ng CARHRIHL:
“desekrasyon o hindi paggalang sa mga labi ng mga namatay sa proseso ng armadong labanan o habang nakabilanggo, at hindi pagtupad sa tungkuling kaagad na ibigay ang mga labi ng namatay sa kanilang pamilya o bigyan sila ng disenteng libing;”
Si Ka Puk-et ay sumapi sa BHB noong Marso 1987. Bago nito, nagsilbi siyang iskwad lider ng Milisyang Bayan (MB) ng Barangay Wagud, Pinukpuk, Kalinga noon 1985. Kumilos siya bilang buong-panahong mandirigma ng BHB sa mga prubisya ng Mountain Province, Abra at Apayao.
Pinagpugayan si Ka Puk-et ng BHB Ilocos Cordillera Regional Operational Command at kinilala bilang isang mahusay na kadreng pulitiko-militar. Pahayag pa ng panrehiyong kumand, “maraming mga taktikal na opensiba na nakibahaginan at pinamunuan ni Ka Puk-et. Ang totoo nito, natatakot ang kaaway kung naririnig nila ang alyas ni Ka Puk-et.”
Samanatala, pinarangalan din ng BHB-ICR si Gonzalo A. Battawang (Ka Louie) na napatay sa isang labanan noong Marso 15 sa bahagi ng teritoryo ng tribu ng Salegseg. Mula sa Barangay Barangay Gawaan, Balbalan si Ka Louie.
Nagmula siya sa tribu ng Mabaca na lumaki sa Sityo Angao, Amacian, Pinukpuk, Kalinga. Si Ka Louie ay unang nagpultaym bilang security officer ng Municipal Council of Leaders ng Cordillera People’s Democratic Front noong naitayo itong rebolusonaryong konseho ng Pinukpuk noong 1989. Dahil mainit ang pangalan niya sa AFP at PNP, nagpasya si Ka Ivy na maging pultaym na kasapi ng BHB noong huling bahagi ng 1989.