Bantang aerial bombing ng 80th IB sa Rizal, kinundena

April 7, 2023


Kinundenda ng Karapatan-Rizal ang bantang aerial bombing ng 80th IB sa Sityo Lubog, Barangay Mascap, Montalban, Rizal noong Abril 6 ng hapon. Ayon sa grupo, iniulat ng mga residente ang sapilitang pagpapalikas sa kanila at pagbabanta na “walang makakapasok o makakalabas sa kanilang lugar” dahil sa planong aerial bombing.

Simula pa Marso 31 ay naglulunsad na ng matinding operasyong kombat ang 80th IB sa Montalban at kalapit na mga bayan dahil sa serye ng sagupaan ng mga yunit nito at ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Rizal noong Marso 31.

Dulot ng operasyong kombat, tinatayang 80 pamilya ang napilitang lumikas sa sentro ng Barangay Mascap at 75 sa Barangay Puray. Kabilang sa kanila ang 150 maliit na bata. Liban dito, apektado ng mga operasyon ang hindi bababa sa 90 pamilya sa Barangay San Rafael.

Ang pagdadawit ng 80th IB sa mga sibilyan at sapilitang pagpapalikas sa kanila ay lubhang labag sa internasyunal na makataong batas (IHL) at maging sa kasunduan ng Gubyerno ng Pilipinas at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Nakasaad sa Ika-4 na Bahagi, Artikulo 3, Numero 7 ng CARHRIHL na ipinagbabawal ang: “mga gawa na nagreresulta o nagpapahintulot sa sapilitang ebakwasyon o sapilitang rekonsentrasyon ng mga sibilyan, maliban kung ang gayon ay kinakailangan dahil sa seguridad ng mga sibilyang nasasangkot o dahil sa di-maiiwasang mga kadahilanang militar; ang paglitaw at pagdami sa loob ng bansa ng mga pamilya at komunidad na napalayas sa kanilang lugar; at ang pagkawasak ng mga buhay at ari-arian ng populasyong sibilyan.”

Liban dito, ang planong pambobomba ay labag din sa nakasaad sa Ika-4 na Bahagi, Artikulo 4, Numero 4 ng CARHRIHL: “[Ang sibilyang populasyon] ay pangangalagaan laban sa walang habas na pambobomba mula sa himpapawid, istraping, panganganyon, pagmomortar, panununog, pambubuldoser at iba pang katulad na anyo ng pagwasak sa mga buhay at ari-arian, paggamit ng mga pampasabog gayundin ng pag-iipon ng baril, bala, pampasabog atbp. sa malapit sa kanila o sa gitna ng hanay nila, at sa paggamit ng mga sandatang kemikal at bayolohikal.”

Ayon sa Karapatan-Rizal, nakararanas na ng gutom ang mga bakwit at nais na nilang makauwi na lalo’t wala ng engkwentrong nagaganap sa kanilang sityo. Nais lamang nila makabalik na sa mga lupang sakahan, maghanapbuhay, at makasama ang pamilya.

Sa kabila nito, hindi sila pinahihintulutan ng militar na makabalik sa kani-kanilang komunidad. Maging ang mga sibilyang upisyal ng sityo at barangay ay pinagbabawalang bumalik sa erya para magsagawa ng inspeksyon.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Brillante Mendoza‘s Moro in Netflix July 19

Award-winning filmmaker Brillante Mendoza has a continuing fascination with Muslim

Kabuhayan – Pinoy Weekly

Kabuhayan – Trabahong pinagkakakitaan, pinagkukunan ng pang-araw-araw na pangangailangan ng