Tinambangan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Rizal ang nag-ooperasyong tropa ng 80th IB sa Sityo Karayupa, Barangay San Rafael, Rodriguez noong Marso 31. Isang sundalo ang napatay.
Ayon sa BHB-Rizal, matagal nang namemerwisyo at nang-aabuso ang 80th IB sa mga sibilyang komunidad. Mula pa Pebrero ay nag-ooperasyon na ang naturang yunit sa mga barangay na sasaklawin ng proyektong Wawa-Violago Dam. Nagsisilbing gwardya ang mga sundalo ng mapangwasak na proyekto.na ito.
“Dahil sa mga operasyong ito ay ilang kaso na ngpanggipit at sarbeylans ang isinagawa nito sa mamamayan ng Rizal na nagnanais manatili sa kanilang mga tirahan at lupaing apektado ng dam,” ayon sa BHB-Rizal.
Anito, naisagawa ang gerilyang aksyon dahil sa nagpapatuloy na suporta ng masang anakpawis sa hukbong bayan, taliwas sa kasinungalingang ipinahayag ng AFP.
Samantala, nasamsam ng BHB-Cenral Negros mula sa mga armadong maton ang dalawang maiksing armas sa Sityo Manlama, Brgy Montilla, Moises Padilla, Negros Occidental noong Marso 30. Nakuha ang mga armas mula kay Eddie Abarquez at kanyang maton na si Lemark Nueva. Ginagamit ni Abarquez ang armas para dahasin at sindakin ang mga residenteng nais niyang agawan ng lupa.