Ang Bayan » Detatsment ng CAFGU sa Masbate, pinasabugan ng BHB

March 28, 2023


Pinasabugan ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate ang detatsment ng CAFGU sa Barangay Manlut-od, Placer noong Marso 24. Isinagawa ng BHB ang operasyon dis-oras ng gabi para surpresang patamaan ang armadong pwersa ng kaaway.

Apat na sundalo at tauhan ng CAFGU ang napatay sa naturang armadong aksyon. Winasak din ng mga operatiba ng BHB ang tatlong kubo ng naturang detatsment. Ito na ang ikatlong aksyong gerilyang inilunsad ng mga Pulang mandirigma sa serye ng mga armadong opensiba sa nagdaang linggo.

Ayon kay Ka Luz del Mar, tagapasalita ng BHB-Masbate, “ang masa mismo ang nagkukusang ipabatid sa Hukbo ang mga pwesto at himpilan ng kaaway.” Ipinaliwanag niya na ilan sa mga masa ang boluntaryong sumama, nagbantay at sumubaybay sa kilos ng kaaway para sa ikatatagumpay ng opensiba.

Ang naturang komunidad at kalapit pa nitong mga lugar ay matagal nang ginagalugad ng armadong pwersa ng kaaway. Labag sa internasyunal na makataong batas, inokupa ng mga pasistang armado ang mga sentro ng barangay, mga eskwelahan at iba pang pampublikong imprastruktura habang nagsisilbing gwardya sa mapanira at kontra-magsasakang mga proyektong “pangkaunlaran.”

Liban dito, iniulat din ng mga residente ang pamimilit sa kabataan na magsundalo sa pangako ng sahod at suporta.

Hindi bababa sa 17 ang kabuuang bilang ng mga sundalo at pulis na napatay sa serye ng mga opensiba ng BHB sa nagdaang linggo. Nadagdagan ang kaswalti ng armadong pwersa ng estado matapos binawian ng buhay ang tatlo sa kanilang pitong sugatan sa naunang isinagawang mga operasyong haras.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Filipino workers slam Marcos Jr.’s US visit amid ignored woes for wage hike

Labor day protest in Manila (Photo by Carlo Manalansan /

Ang Bayan » Klase sa mga paaralan sa Masbate, nakansela dulot ng palabas na engkwentro ng 2nd IB

Nagbunsod ng pagkansela ng klase sa mga eskwelahan ang palabas