Ang Bayan » Drayber at kasama niyang inaresto sa Batangas, nakalaya na

September 5, 2023


Nakalaya na mula sa higit isang linggong pagkakakulong sina Jose Escobio at Junald Jabonero kahapon, Setyembre 3. Ang dalawa, kasama ang organisador ng Samahan ng mga Magbubukid sa Batangas (SAMBAT) na si Ernesto Baez Jr, ay iligal na inaresto noong Agosto 24 ng umaga sa San Juan, Batangas. Sinampahan sila sa gawa-gawang kaso ng illegal possession of firearms at illegal possession of explosives.

Pansamantalang nakalaya ang dalawa matapos ilabas ng Office of the Provincial Prosecutor (OPP)-Batangas ang resolusyong kinakailangan munang sumailalim sa Preliminary Investigation (PI) sina Escobio at Jabonero. Naglalabas ng katulad na resolusyon sa panahong may iregularidad sa paraan ng pagkuha ng ebidensya o hindi malinaw ang salaysay ng mga nagreklamo.

Samantala, nanatiling nakapiit si Baez Jr sa kasong illegal possession of firearms at nangangailangang magpyansa para rito. Isinailalim din ng prosekyutor sa preliminary investigation ang kasong illegal possession of explosives na isinampa laban kay Baez Jr.

Itinanggi ng tatlo ang mga akusasyon sa kanila ng pulis. Ayon kay Escobio at Jabonero, sinundo nila si Baez Jr sa isang resort sa San Juan gamit ang kanilang sasakyan at habang bumabyahe ay sapilitang pinahinto ng mga pulis at iligal na inaresto.

Salaysay pa ng tatlo, matapos tutukan ng baril ay tinakluban ang kanilang mga mukha at sapilitang isinakay sa ibang sasakyan. Matapos ang ilang minuto, muling isinakay ang tatlo sa kanilang sasakyan na mayroon nang itinanim na mga ebidensyang mga baril at pampasabog. Dinala pa umano sila sa tulay sa Barangay Buhay na Sapa sa San Juan at doon pinalabas na nadakip.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Pito sa sampung magsasaka ang nananatiling walang sariling lupa – KMP –

Sa paggunita sa Global Day of the Landless, nagprotesta ang

Lab Notes | El Niño 2024: another disaster, another government failure

Crops die due to dry spell in North Cotabato. (Photo