Ang Bayan » Duterte, balak kasuhan sa pambabanta laban kay Rep. Castro

October 13, 2023


Nagkakaisa ang mga grupong progresibo at abugado na dapat kasuhan ang dating presidente na si Rodrigo Duterte sa kanyang tahasang pambabanta sa buhay ni Deputy Minority Leader at ACT Rep. France Castro.

Ginawa ni Duterte ang pambabanta sa isang panayam sa kanya sa telebisyon noong Oktubre 11. Ikinagalit niya ang pang-uusisa at pagkontra ni Representative Castro at ng blokeng Makabayan sa confidential at intelligence funds ng kanyang anak na si Sara Duterte. Sinabi si Castro ang target ng CIF at direkta niyang sinabing gusto niyang patayin ang kongresista.

Itinuring ng ACT ang pahayag na ito bilang seryosong banta sa buhay ni Castro.

“Ang mga pahayag ni Rodrigo Duterte, na dati nang pasista at berdugo, ay nakasusuklam,” pahayag ng pinuno ng ACT na si Vladimir Quetua. “Malinaw na direktang banta ito sa buhay ni Castro at mga progresibong grupo at indibidwal na nakikibaka lamang para sa lehitimong mga usapin at karapatan ng mamamayan.”

“Dapat kasuhan si Rodrigo Duterte sa kanyang direktang pambabahnta laban kay Rep. France Castro,” pahayag ni Atty. Kristi Conti ng NUPL-National Capital Region. “May kakayahan siya at handa siyang ipatupad ang mga bantang ito.”

Bago nito, tinanggal ng isang komite sa Kongreso ang CIF na nakalaan sa nakababatang Duterte bilang bise-presidente at kalihim ng Department of Education. Ito ay matapos ang walang awat na pagbubunyag at pagtutol dito ng blokeng Makabayan at iba’t ibang mga grupo.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Ang Bayan » 3 upisyal ng unyon ng Nexperia, balak tanggalin ng kumpanya

Nagprotesta ang mga manggagawang kasapi ng unyon sa Nexperia Philippines

Ang Bayan » Pandaigdigang Araw ng mga Desaparesido, ginunita

Sama-samang ginunita kahapon, Agosto 30, ng mga kaanak at kaibigan