Ang Bayan » Ehersisyong militar na “Kasangga” ng Australia at Pilipinas, inilunsad

May 17, 2023


Inilunsad ngayong araw ng mga tropang militar ng Australia at Pilipinas ang Exercise Kasangga sa Camp Capinpin, ang 6-linggong pagsasanay militar sa Tanay, Rizal. Kasunod ito ng katatapos lamang na Balikatan 2023 at Cope Thunder sa pagitan ng imperyalistang US at tropang militar ng Pilipinas.

Nasa 114 tropa ng Philippine Army at 43 tropa ng Australian Defense Force ang kalahok sa naturang ehersisyo. Tatagal ang pagsasanay hanggang Hunyo 23.

Bahagi ng ehersisyong militar ang mga operasyon pang-urban kombat, pang-kagubatan at pagsasanay sa intelidyens, sarbeylans at rekonasans. Bahagi rin ng pagsasanay ang mga operasyong “kontra-terorismo.”

Unang inilunsad ang Ehersisyong Kasangga noong Abril 11 hanggang Hunyo 27, 2022 sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Sa tulak ng US, pinalalakas ng Australia ang presensyang militar nito sa rehiyong Indo-Pacific para kontrolin at labanan ang paglakas ng China sa buong rehiyon.

Nagbubuhos ng ayudang militar ang US sa Australia sa bisa ng Trilateral Security Partnership na AUKUS o Australia, United Kingdom, at United States na binuo noong Setyembre 2021. Noong panahong ito, kabilang sa unang inisyatiba ng AUKUS ang komitment ng US na magbenta sa Australia ng mga nuclear-powered submarine para sa Royal Australian Navy.



Source link

PRWC

News and information about the Communist Party of the Philippines (CPP), the New People's Army (NPA), and the Philippine revolution.

Don't Miss

Timeline of the Maharlika Investment Fund implementation

After suspending the implementation of the Maharlika Investment Fund’s implementing

Sanctions ‘undermine hegemony of dollar’, US Treasury admits

The secretary of the US Treasury, Janet Yellen, has admitted